"Good afternoon ma'am." baritono niyang pagbati sa akin. Tinanguan ko lang siya habang hindi makatingin sa kaniyang pwesto. Kinabahan pa ako ng mapansing hindi pa siya umaalis sa harapan ko at nanatiling nakatingin sa akin. Ano pa bang kailangan ng isang to dito? Tsk. "Ano na, Nat? So, bakit nga? Kasi kung wala lang akong jowa ngayon at ganun na lang kung magpalipad hangin si sir Mathew sa akin ay talaga naman! Iwewelcome ko talaga siya agad with open arms and open legs! HAHA!" nagtawanan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni ma'am Rhea. s**t! Kahit kailan talaga pasmado ang bibig ng isang yun eh! "May kailangan kapa ba, hijo?" tanong ko kay Cadmus ng makitang mataman niya akong tinititigan. Pinipilit kong maging kalmado tingnan pero shet! Yung puso ko at ang lahat ng organs sa ka

