NATALIA'S POV "Mommy ko... mommy ko.. wake up mommy ko.." Napaungot ako at napatagilid ng marinig ko ang boses ng anak ko. "Mommy ko.." muli niyang tawag at naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking mukha. Napilitan akong buksan ang aking mga mata at nabungaran siyang nakanguso. "Good morning, baby Cai!" paos ang boses kong bati sa kaniya. Napakunot ang noo ko ng hindi niya ako binati pabalik. "What's wrong, baby?" taka kong tanong at bumangon na. Sumandal ako sa headboard at binuhat ang aking anak at inilapag sa aking kandungan. "Why is my baby pouting huh? It's early in the morning!" malambing kong wika at mas lalo siyang ngumuso. "I want to poop, mommy ko." pagsumbong niya at nag iwas ng tingin na tila nahihiya. Aba! Natawa ako at sinapo ang mukha niya. "Oh my! My baby bo

