NATALIA'S POV Natigilan ako ng bahagya siyang mapa atras. Agad akong nag angat ng tingin at napaawang ang labi ng makita ang sakit na naglalaro sa kaniyang mga mata. And I realized what I just said.. Shit! Hindi ko dapat sinabi iyon! Mabilis akong humiwalay mula sa pagkakasubsob sa kaniyang malapad na dibdib kahit sobrang komportable ako doon. "I-I'm sorry.. I-I didn't.." nauutal kong wika at pinunasan ang mga luha sa pisngi. Damn! Akala ko may sasabihin siya na kung ano, or mag tatanong siya. Naghintay ako, pero wala akong narinig sa kaniya. Bagkus ay sinapo niya ang aking mukha at tinulungan akong punasan ang aking mga luha. Nasaktan ko siya. Alam kong nasaktan ko siya dahil sa sinabi ko pero bakit hindi siya umiimik ngayon? "W-Wala ka bang sasabihin?" medyo paos ang boses k

