Mabilis natapos ang weekend. Ginugol ko lamang ang aking free time sa pagpapractice ng ipepresent naming sayaw habang si Cadmus naman ay naging sobrang busy dahil sa papalapit sa salubong ng fiesta sa isla. Kinuha kasi sila ni Mayor bilang katiwala sa pag aasikaso ng mga kailangang ihanda sa venue. Nagkikita lamang kami sa gabi dahil sa kwarto ko siya palaging nananatili pero dahil sa pareho kaming pagod buong hapon ay agad kaming nakakatulog ng magkayakap. It feels so good. He's every girls dream. A perfect boyfriend. He gives me the love and attention I wanted. Kahit sobrang busy niya sa trabaho ay hindi niya ako nakakaligtaang iupdate. My god! Tingin ko nga ay oras oras ang pagtawag niya sa aking cellphone eh. Napapangiti na lamang ako at napapailing dahil sa pag akto niya. Pigil

