Tattoo Hindi ako mapalagay nang gabing iyon. I'm so overwhelmed and many things are running on my mind. Gising na gising ang diwa ko at hindi matigil ang utak sa pag-iisip ng mga senaryo. Kaya nang unti-unti ng kumakalat ang liwanag ay umalis na agad ako sa kwarto at nag-asikaso. I served the breakfast. Dumating ang oras ng agahan, ngunit kami lang ni Siana, Simon at Morphy ang kumain. Makheus didn't show himself. Hindi ko alam kung nasaan siya. Siguro ay nasa opisina o kwarto niya. Ngunit kung ganoon, bakit hindi siya bumaba para sumabay? I sighed. Matapos noon ay naghugas ako ng pinggan at hinanap siya. Umakyat ako sa palapag kung nasaan ang kaniyang kwarto. Matagal lamang akong nakatayo sa harap noon bago huminga nang malalim at napagdesisyunan na kumatok. I knocked three times. Ngun

