Kabanata 23

3925 Words

Protect Pagdating namin sa palasyo ay maraming handa na pagkain. Sa bayan sana kami kakain ngunit napagpasyahan ni Master na rito na lamang dahil naalala niya na laging naghahanda si Siana sa tuwing babalik siya mula sa bayan. At tama nga dahil pagdating namin ay napakaraming pagkain sa hapag. Tila nakasanayan na 'yon ni Siana, at kahit hindi na pagsabihan ni Deliah ay alam na niya ang dapat gawin. "Kumusta?" Magiliw na tanong ni Siana sa amin pagdating. Yumuko siya sandali kay Master bago niyakap ang kaniyang anak na si Simon. Agad naman itong yumakap pabalik. "Ayos naman kami, Ina. Ikaw po? Marami pong binili si Master para sa atin!" saad ni Simon at hinagkan ang kaniyang ina sa pisngi. Siana smiled. "Maayos naman, anak." Aniya at hinarap si Master, "salamat Master sa mga pasalubong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD