Rage Halos hindi ako mapalagay nang gabi na 'yon. Hindi mawala sa isip ko ang narinig. Malalim kong pinag-isipan kaya naging mailap na sa akin ang pagtulog. Hindi ko alam kung paanong nalaman niya ang una kong pangalan. Pinakiramdaman ko sila Simon at Siana ngunit mukhang hindi nila 'yon napansin dahil abala ang ina sa pag-papaalala sa anak. Samantalang si Master ay dire-diretso nang umalis. Now I'm wondering, paano niya nalaman? O baka naman, hindi sinasadya na nabanggit ko 'yon? Ngunit kahit anong pilit na pag-alala ay wala akong maisip na sitwasyon na nabanggit ko ang una kong pangalan lalo na't maingat ako sa aking pagkatao. Or maybe, I just heard him wrong? I sighed. Hindi ko na alam. Maya-maya pa ay kinatok na ako ni Simon, handa na para umalis. Kinuha ko ang bag na ibinigay sa ak

