Storm He has the same name with my brother. Hindi 'yon mawala-wala sa isip ko at paulit-ulit na pumapainlang. My brother's whole name is Dustin Azriel. I sighed again. Maaaring magkapareho lamang sila dahil hindi naman 'yon maiiwasan. Ngunit kung ganoon ay patunay na napaka-mapaglaro ng tadhana upang gawin 'to. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nang magising ay halos tulala ako dahil sa napanaginipan. Mulat na mulat ako habang nakatitig sa kisame at nakahiga. Ang liwanag sa labas ay sumisilip na sa kwartong kinaroroonan ko. Naririnig ko rin ang ingay at tila gulo ng mga lalakeng kasama ni A sa bahay na 'to. Ngunit higit pa roon ay may bumabagabag na naman sa utak ko. Bumukas ang pinto at tumambad si Azriel sa akin. He eyed me with his serious eyes. Sa kamay niya ay mga damit. Buma

