Nakaempake na ang mga gamit nila Paige at Jazmin para makaalis na papuntang Laguna kung nasaan ang tirahan ng mga magulang ng una. Doon na lang sila mamamalagi, atleast doon ay marami silang mga kamag-anak na kasama at magtatanggol sa kanila kung babalik man itong si Adam. "Gusto mo ba ihatid ko na kayo doon?" wika ni Carol. "Hindi na. Dito ka na lang, kapag malamig na ang ulo ni Adam ay kakausapin natin si Sander para magpatulong sa negosyo natin. Kailangan nating ayusin 'yun dahil tayong tatlo ang may-ari ng restaurant. Tutal abogado naman si Sander." "Sige. Basta mag-iingat kayo dun huh?" "Oo. Ikaw din. Huwag ka muna maglalalabas lalo na ngayon baka ikaw ang pag-initan ni Adam." "Baby... Ba-bye na. Mamimiss kita Jazmin." baling niya sa bata na tulog na sa mga bisig ng ina. Hinalika

