Pagkagising na pagkagising ni Paige ay inimpake na lahat ng kanyang mga gamit para makaalis na. Hindi na niya pwedeng tumagal pa sa bahay na pinagsasaluhan nila ni Sander. Hindi na niya kayang harapin pa ang lalaki matapos ang mga nangyari. Nasa ganun siyang kalagayan nang kumatok si Sander sa kwarto. Sumilip muna ito bago pumasok. Napatigil.siya sa pag-iimpake. "Kailangan mo ba talagang gawin 'yan?" Tanong ni Sander habang papasok siya sa kwarto. Mahinahon pa rin ito. Dahan dahan siyang Umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan ang mga bagahe ni Paige na nakalapag sa may kama at sahig. He felt sad and a bit of disappointment. "Wala na akong mukhang ihaharap sa 'yo." Nakatungong sagot niya sa lalaki. Sa kasalanang ginawa niya ay hindi na talaga niya kaya pang iharap ang mukha dito at ipagpa

