Kasalukuyang naglalabas ang isang waiter ng pagkain nang makita ni Paige na wala sa menu book nila ang pagkaing dala nito.
"Wait!" pigil niya sa waitress.
"Yes ma'am?"
"Who ordered that? Wala sa menu book natin yan, huh!" wika niya sabay tingin sa laman ng mga plato.
"Ipinalabas po ni Adam ma'am for lunch. Saan pong mesa ko ilalagay?" paliwanag ng waitress
Naalala niya na ngayon ang request niya kay Adam kanina.
"Aaaaah. Okay, just put it at the table on the rear end at sabihan mo din ang mga ibang kasama mo na hindi pa kumakain na sumalo na sa pagkain," aniya
"Sige po ma'am," wika ng waitress tsaka idiniretso sa mesang sinabi ni Paige ang dalang plato.
Wala nang tao sa restaurant ng mga oras na iyun kaya naman ay pumayag na lang siyang doon sila kumain sa labas kahit na may mga part naman sa kusina na pwedeng kumain ang mga staff.
"It's all set ma'am," ani ng waitres na nagset ng food.
"Sige, tawagin mo na ang ibang hindi pa nakapag lunch break at tsaka si Adam," utos niya dito.
Mabilis naman na tumugon ang waitress sa utos niya. Tatlo lang sa staff ang hindi pa nakakapaglunch kasama na si Carol at dalawang waitress.
"Kami na lang ang hindi pa nakakapag lunch break," wika ni Carol.
"Tumungo na kayo dun sa mesa and eat. Where is Adam pala?"
"Susunod na daw ma'am,” sagot ng isa sa mga waitress
Tumungo na ang tatlo sa may mesa na kinalalagyan ng pagkain, samantalang si Paige ay hinintay pa si Adam na lumabas mula sa kusina.
Wala pang limang minuto ay lumabas na si Adam. Tinanggal na ng lalake ang chef uniform niya, nakasuot na lamang siya ng t-shirt saka pantalon. Habang tinitignan ni Paige ang paglabas niya mula sa pinto ay hindi niya maikakailang nagagandahan siya sa katawan ng lalake.
Hapit kasi ang suot nitong shirt kaya naman ay lumabas ang hugis ng maskulado niyang katawan. Makisig kasi ito at tamantama ang height niya at ang porma niya ng damit ay lalong nagpapalakas sa s*x appeal niya.
Nakatitig si Paige sa kanya na animo'y natulala kaya hindi niya namalayan ang paglapit ng lalake.
"Let's go?" wika ni Adam.
Mistulang hindi niya narinig ang lalake dahil hindi ito kumibo.
"Paige?" tawag sa kanya ni Adam.
Doon lang siya bumalik sa kanyang ulirat.
"Huh? Okay tara na," tarantang wika niya. Palihim na umiiling at pinapagalitan ang sarili kung bakit ganun siya kapag nakikita niya si Adam.
Ito ba ang sinasabi nilang love at first site? Pero hindi pwedeng mahulog ang loob niya dito. May kinakasama siya at mahal niya ito..
Habang kumakain sila ay hindi maiwasan ni Paige na 'di titigan si Adam. Magkaharap sila sa mesa kaya naman ay diretso sa kanyang kinauupuan.
"Dapat paminsan-minsan ay nagkakaroon kayo ng ganitong pagkain para naman maiba ang nalalasaan ng mga taste buds niyo kapag nandito kayo,” wika ni Adam
"Hindi kasi allowed dito ito pero dahil sa bagong salta ka eh pinagbigyan na kita para naman may magandang maikwento ka sa iba," tawang biro ni Paige
"Naku! siguradong madami akong maikukwento nito dahil ang lakas pala ng restaurant na ito at ang menu ay masasarap din. Dapat ay ihire niyo na ako dito permanently, ano sa palagay niyo girls?" tanong niya sa mga kasama nila sa mesa
"Pabor kami diyan!" halos sabay sabay na wika ng tatlo.
"Oh, kita mo? pabor ang mga empleyado mo Paige kaya dapat pag-isipan mo na," ngiting baling niya ky Paige.
"We'll see, hindi naman pwedeng i-fire na lang namin ang resident chef namin dito. Limang taon na din siya sa amin and no bad records at all," namumulang sagot ni Paige.
Kung siya lang ay hinire na niya ito. Eager siya na lagi niya itong makasama but in no avail hindi pwede dahil may mas nakakataas sa kanya to decide.
"Okay, then just call me if you need back up again, Miss Manger," pabirong ani Adam.
"Basta ba willing si Martin na ipahiram ka, why not 'di ba?" sagot naman niya. Parang sila lang dalawa sa mesa na iyon. Nagkagaanan sila agad ng loob
Si Adam naman ay hindi din maiwasang titigan si Paige. Maganda ang ngiti nito na parang gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakikita niya ang matamis na ngiti ng babae. Mala-Anghel ang mukha ni Paige, pati ang mga mata ay parang nangungusap. At kung katawan din naman ang pag-uusapan ay sexy siya at nasa 5' 6" ang tangkad.
Habang nagsasalita si Paige sa harap niya habang kumakain ay parang gusto niya itong masolo. Kung titigan na lang niya ito ay iba ngunit iniiwas din niya ang tingin niya kapag tumitingin ang babae.
Nang matapos silang maglunch ay bumalik na sila lahat sa kani-kanilang mga trabaho. Naging abala ulit sila sa mga nakatokang gagawin nila.
"Ikaw ba 'yung chef na humalinhin kay Bryan?" tanong ng isang lalake kay Adam habang nililigpit niya ang mga gamit niya para makaalis na dahil close na sila.
Nilingon niya ang may-ari ng tinig. Isang lalakeng medyo may edad na batay sa buhok at itsura pa lang niya.
"Yes," maikling wika niya
"I'm Bob nga pala, the owner. Thank you sa pagpuno ng spot. Paige told me already na magaling ka daw as cook, hopefully mahire ulit ka namin?"
"Salamat, sir. If kailangan ninyo ng cook just call me but kailangan ninyo munang dumaan kay Martin. Siya kasi ang may hawak sakin eh."
"Sige. So pa'no yan, maraming salamat. I'll be going,” paalam ni Bob
Tumango tango lang si Adam at pinagpatuloy ang ginagawa pagkaalis ng kausap.
Bago siya umalis ay pinuntahan muna niya si Paige sa opisina nito. Kumatok siya sa may pinto.
"Come in!" tawag ni Paige sa loob.
Agad naman niya binuksan ang pinto at pumasok. Kasalukuyan ding hinahanda ni Paige ang mga gamit niya para makauwi na.
"Oh, Adam?" tanong niya dito
"I just want to say goodbye."
"Okay. Thank you for coming and please tell my gratitude also to Martin," nakangiting sagot ni Paige.
"Okay,” patango-tangong sagot niya. Hindi malaman ni Adam kung aalis na o hindi pa.
"Yes?" tanong ni Paige sa kanya ng mapansin na parang may gusto siyang sabihin pa.
"Aaaaahh....Eeeeehhh.. Nothing,” utal niyang sagot at akmang tatalikod na.
"Come on just tell it,” pigil sa kanya ni Paige.
"Can we.... Can we have lunch some other time? Just to thank you.," lakas-loob na tanong niya.
Ngumiti lang si Paige "Thank me? For what?"
"You know... For working here even in a day only,"
"Ikaw naman. Ako nga dapat magthank you eh, kasi pinagbigyan mo kami ni Martin."
"So it means pwede akong magdemand niyan?" biro niya.
"What do you mean?" ngiting tanong naman ni Paige.
"To say thank you to me, pwede ako magrequest anything."
"May ganun ba sa usapan natin? Parang wala akong alam ah."
"Ngayon meron na," tawa ding biro niya. "Pwede?"
Parang nag-isip muna si Paige saka siya sinagot nito.
"Okay, spill it!" wika niya.
"Lunch? Dinner?" tanong niya dito na pinapapili kung maglunch sila o magdinner sila.
"With whom?" taas kilay na tanong nman ni Paige
"The two of us, kung walang magagalit."
"Nagbibiro ka ba? Martin doesn't told you na may kinakasama ako?" nakangiti na may halong pagtatanong.
Biglang namula ang pisngi ni Adam sa pagkapahiya. Hindi niya malaman kung magwo-walk-out siya o magtatakip siya ng mukha.
"Oooooops!! Sige never mind na lang kung ganon,” bawi niya.
"Sorry, huh. I need to consult Sander pa about that. Sander pala yung kinakasama ko,” paliwanag niya.
"Okay then. Mauuna na ako," paalam na niya at tumalikod nang lumabas na walang lingon-lingon.
Ngumiti lang si Paige sa kanya saka na lumabas sa opisina. Nang makalabas siya ay kinakamot kamot niya ang ulo na parang nagsisisi bakit ganun ang sinabi niya.
Hindi niya malaman kung bakit ganun na lang ang impact ni Paige sa kanya. Umiling-iling na lang siyang tumungo sa kanyang kotse saka umalis.
Samantala, nagtataka si Paige kung bakit niyaya siya ni Adam na lumabas. Hindi naman ata gawain ng mga nae-employ pansamantala ang ganun ngunit may side sa kanya na nagsisisi bakit niya hindi pinagbigyan.
Ngunit iniisip din niya si Sander. Oo si Sander ay naghihintay na sa kanya sa bahay kaya kailangan na niyang umuwi.
Mabilis niyang dinampot ang bag niya at lumabas na sa opisina. Hinanap muna niya si Carol para magpaalam na mauuna na siya.
"Carol, mauuna na ako, huh. Kayo na bahala dito. See you tomorrow,” pagmamadaling paalam niya. 'Di na niya hinintay pa ang sagot ng kaibigan.
"Sige, ingat sa pagmamaneho, Paige!" pahabol naman ng kaibigan na nagtataka bakit ganun ang kinikilos ng isa.