Fia’s POV Kanina pa ako nag-iisip kung paano ko aayain si Dado na mag-inom. Nasa labas siya, abala sa pag-aayos ng gate ng bahay ko. Pawis na pawis, at kita ko ang bawat galaw ng malalaking braso niya habang hinahawakan ang martilyo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko. Gusto ko siya. Pero siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin nang ganun na lang, di ba? Nasira ang gate ng mansiyon. At nung maghanap ang mga magulang ko nang gagawa, siya ang ni-recommend ko para makita ko ulit siya. Wala kasing pasok dahil linggo. Pahinga dapat ng mga tauhan ko, kaya lang hindi ko kayang hindi na nakikita si Dado. Naghahanap ako ng tamang timing. Tumingin ako sa relo—alas-sais na ng gabi. Medyo magdidilim na, pero sapat pa ang liwanag para makita ko

