Dado’s POV Pagod akong naglalakad pauwi, pero sa kabila ng pagod ko, masaya ako dahil natapos ko na ang entrance gate ng flower farm ni Miss Fia. Napatingin ako sa mga bituin sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Halos inabutan na ako ng gabi, na-overtime pa tuloy ng wala sa oras. Mahal ko ang trabaho ko, pero hindi ko maikakaila na pagod na rin minsan ang katawan ko. Inisip ko na lang kung gaano kaganda ang mga bulaklak sa farm ni Ma’am Fia. Malaking project iyon, pero worth it naman. Habang naglalakad ako sa madilim na kalsada, napansin kong may nakatambay sa tapat ng bahay ko. Parang may nakaupo sa labas, tapos parang may dalang supot. “Dado! Bro, nandito ka na pala! Grabe, nag-overtime ka talaga para sa gate na ‘yon?” Natigilan ako. Si Henjie! Ang makulit kong katrabaho sa flower

