Chapter 1

3092 Words
CHAPTER ONE Eyes Nathan's POV "PUNTAHAN mo na ang kuya mo, gusto ka niyang makita at makausap. Importante raw." Tiningnan ko lang si Kiel na kasalukuyang nililigpit ang mga papel na nagkalat sa mesa rito sa studio. Dito na kasi ako gumawa ng thesis ko, dito na nga rin ako natulog kagabi. Hindi ko gustong mag-stay sa bahay, dahil hindi na naman kami nagkasundo ng lolo ko. Kaya naman bumalik na lamang ako rito sa school para sa night shift kong klase, at nang matapos ang tatlong oras na subject ay rito na 'ko tumuloy sa studio ng Warriors sa loob ng school. Siguro mas ikakainis ni Lolo kapag nalaman niyang mas gusto kong uwian ang studio ng Warriors kaysa sa bahay niya. Ewan ko ba kasi kay Mama at Papa, kung bakit hindi nila naisipang bumukod noong bata pa lamang kami ni Kuya Nike. Sinulyapan ko ulit si Kiel. Naramdaman ko ang pagdungaw niya sa akin kasabay ng pagtikhim. "Akala ko tulog ka pa kaya hindi ka umiimik." Umiling ito at sinabing, "Hindi pala, masungit ka lang." Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa may kahabaan na couch. "Ayokong umuwi." Hinarap ako ni Kiel. "Nathan Dannyeight Millers! Hindi porque nasa edad na bente anyos ka na'y magiging malaya ka nang gawin lahat ng gusto mo, kailangan mo pa rin kitain ang mga magulang mo," sita niya sa akin. "Malaya? Wala nga akong freedom, 'di ba," ingos ko sa kaniya. "Natha-" "Huwag mo na siyang pilitin." Napatingin ako sa boses na biglang sumulpot. Si Lex at ang kasama niyang si Ethan. Si Ethan ang tumatayong manager ng Warriors at si Lex naman ang trademark namin pagdating sa mga showdown. Nakita kong mahinang siniko ni Ethan si Lex at lumapit sa kinauupuan ko. "Ano na naman ba ang hindi ninyo pagkakaintindihan ng lolo mo at ayaw mo na namang umuwi?" tanong ni Ethan at umupo sa tabi ko. Si Lex naman ay tumabi kay Kiel na nakasandal sa mesa. Kaagad kong sinabi ang dahilan na naman ng pagwa-walk out ko. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nangyari iyon. As usual na nangyayari sa amin ni Lolo, kinukulit niya akong mag-part time job sa kompanya niya. Ayaw ko naman dahil abala ang Warriors ngayon dahil sasali kami sa isang paliksahan. Competition iyon ng bawat eskwelahan na nakapagsumite ng kani-kanilang dance group videos, at Warriors ang napili ng school, ang aming grupo. Isa pa, alam ko naman na sinusubukan lang ni Lolo na i-distract ako ngayon dahil ayaw niya sa pinagkakaabalahan ko. Hindi niya gusto ang Warriors. Pero actually, hindi lang naman iyon ang naging dahilan ng sagutan na naman namin. May magaganap na kasiyahan bukas sa kompanya, at gusto ni Lolo na dumalo ako dahil dadalo rin ang mga apo ng mga kaibigan niya sa negosyo na mga kaedaran ko raw. Alin ba sa 'ayaw kong maghanap ng girlfriend galing sa kanila ang hindi niya maintindihan? "Nathan, pati ang Alvarez ay pupunta, in short nandoon din ako bukas," ani Kiel na napapailing. "Naroon din ang Adams," kibit-balikat ni Ethan. "I don't know, and I don't care about Night's businesses," tukoy ni Lex sa pamilya ng Night, which is ang pamilya niya. Binalingan lang saglit ni Ethan ng tingin si Lex, pero kaagad din itong bumaling muli sa akin. Hindi ko alam kung maiintindihan ako ng kahit sino. Noong bata pa lang ako ay malapit ako sa lolo ko. Siya ang palagi kong kalaro at tagapagtanggol kapag nauubos ko na ang pasensya ng mga magulang ko. Siya rin ang nagpapasyal sa 'kin kahit saan ko gustong pumunta, at siya rin ang naghahatid sa akin sa school. Sobrang lapit namin sa isa't isa ni Lolo noon. Siguro dahil hindi naman bumukod ang mga magulang ko nang magpakasal ang mga ito. Sa mansion na ni Lolo ako lumaki kasama ang Kuya Nike ko. That's okay with me, dahil masaya naman ako sa accompany ni Lolo sa araw-araw. But everything has changed, when I realized na sa akin lang ganoon si Lolo. He doesn't really care about my brother, Kuya Nike, who's five years older than me. Sobrang lapit ko rin kay Kuya Nike, kaya nagulat ako nang sabihin sa akin ni Mama na ampon lang siya, ngunit hindi nabago ang pakikitungo ko sa kaniya. But at the same time, mas naintindihan ko kung bakit iba ang pakikitungo ni Lolo sa akin at kay Kuya. It's not fair. He's still part of our familly. Until one day, I knew na gusto nang bumukod ni Mama kay Lolo, sa sarili niyang ama, because even Mom realized how he treated Kuya Nike as an out of place. But Papa can't refuse Lolo when he said that he wanted us to stay in his mansion. I know how good lolo is, but when I heard that, I realized that he was unfair. Dapat may sarili na ngayong tinitirhan si Mama. Kailangan niya na rin itong palayain at kailangan na rin naming bumukod. Hanggang sa nag-high school ako. Ginusto kong gumawa ng grupo ng mga mananayaw. Kahit noong bata pa lang ako, palaging sinasabi sa akin ni Lolo na ako ang magmamana ng iba niyang ari-arian kaya kailangan kong maging isang mahusay na negosyante. Pero dahil mahal ko ang pagsasayaw, naglakas-loob pa rin akong sabihin ang totoong gusto kong gawin. But of course, he refused and he finalized na ang kukuhanin kong course ay Business Management at hindi BFA or Bachelors of Fine Arts na una ko talagang plano. At first, gusto kong tanggihan si Lolo, but Mom and Papa asked me to do what Lolo wants. Kuya Nike was the only person in our home who agreed to follow my dream, pero wala pa rin naman siyang magawa that time kundi ang hintayin ang susunod pa nilang magiging pasya. Noong una ay dapat magmamatigas pa ako, pero nang si Mama na ang nagsabi na pagbigyan ko na si Lolo, wala na ‘kong nagawa. I hate it whenever ny mom has to beg. Kaya kaagad kong sinunod si Mama at kumuha ng course na gusto niya. But I didn't stop dancing. Itinuloy namin ang pagbuo ng Warriors. Kiel helped me to convinced my parents na hayaan akong ituloy ang pagsasayaw, and Lolo gave us condition. Pumayag si Lolo na ituloy ko ang pagsasayaw, pero hanggang college lang ako. Pagka-graduate ko ay hihinto na 'ko at iiwanan ang grupo na balak naming buuin ni Kiel. And he still wants me to work for his company as an OJT. I want to refuse, but I have to agree. Kaya nangako kami na si Kiel ang magiging leader, kaya naman hindi ako ang magiging abala sa aming dalawa at hindi niya kailangang mag-alala. Kahit papaano naman daw ay naiintindihan ni Kiel ang lolo ko. Kahit siya raw kasi pagka-graduate niya ng college ay tutulungan niya na ang dad niya sa negosyo, para ituloy ang maunlad na pamamahala ng ama niya sa lahat ng Alvarez' company. Pero wala raw siyang balak iwan ang Warriors pagkatapos niyang mag-aral, dahil gusto niyang magtayo ng isang management agency na magiging main and first company niya na hindi sinimulan ng ama niya. Naisip ko noon na 'oo nga naman, kung nasa isa kang pamilya ng mga negosyante ay dapat asahan na ikaw ang magtutuloy ng journey ng inyong pamilya. Pero nagbago iyon nang mag-college ang pinsan kong si Arcie, at kumuha siya ng ibang course na malayo sa pagnenegosyo. Ang buong akala ko ay magagaya sa akin si Arcie na hindi magsusunod ang pangarap. Pero hindi, dahil imbes na tumanggi at hadlangan ay sinuportahan pa siya ni Lolo. I was happy for my cousin, but bitter at the same time. Of course, masaya ako na magagawa ni Arcie ang pangarap niyang maging journalist, pero hindi ko pa rin mapigilan na isipin kung bakit ako ay hindi pinayagan ni Lolo? Dahil ba sa Aldriano ang apelyido nila ng kapatid niyang si Kuya Migs, kaya nagagawa nila ang kung anong mga gusto nila? Samantalang ako, lagi niyang pilit na kinokontrol dahil Millers ang dala kong pangalan. Magmula sa pangarap ko na pagsasayaw at ngayon na gusto niya akong makipagrelasyon sa anak ng mga kaibigan niyang negosyante. Para sa negosyo, sa pera? Alam niya naman na mayroon na akong ibang gusto. But for unknown reason ay ayaw niya sa babaeng iyon. Gusto niya 'kong hanapan ng ibang babae. Hindi niya maintindihan na may sarili na 'kong desisyon sa buhay ko, at hindi na ako sunod-sunuran lang sa lahat ng mga gusto niya. "Nathan, nakikinig ka ba?" lukot na lukot ang mukha ni Lex nang tawagin niya ang pangalan ko. Nag-angat lang ako ng tingin sa kaniya pero hindi nagsalita. Umirap ito para ipahiwatig na hindi niya na gustong ulitin lahat ng mga sinabi niya kanina. And I don't have any idea what is it. Naiiling habang tumatawa na nagsalita si Kiel. "Kausapin mo ang kuya mo. Kahit ang kuya mo lang, kung ayaw mo pang umuwi," nagkibit-balikat si Kiel. "Sabi ni Kuya Nike, ‘pag hindi kita nadala sa kaniya ay ibabagsak niya 'ko sa subject nya," nguso pa niya. Natawa na lang ako. Palagi naman niya iyan panakot sa mga kaibigan ko. Nakita kong napailing si Ethan at sinundan iyon ng irap ni Lex. Tinatamad na tumayo na ako at naglakad palabas ng studio. "Saan ka pupunta?" tanong ni Lex. Nilingon ko sila ng nakataas ang kilay. "Sabi ninyo puntahan ko ang kuya ko?" "Very good," narinig kong sinabi ni Ethan. Napailing na lang ako. Kiel was right, kung ayaw ko pang kausapin sina Lolo, kahit manlang si Kuya Nike ay dapat harapin ko. Hindi naman dapat sila damay rito. Nagtuloy na ako sa paglalakad. Bago pa ako makalabas ng studio ay narinig ko ang tawag sa akin ni Kiel na nilingon ko. "Sabihin mo ako ang nagpapunta sa 'yo, a, para taasan niya ang grades ko." Imbes na sagutin ay nagtuloy na lang ako sa paglabas. Narinig ko pa ang sarkastikong tawa ni Lex at ang halakhak ni Ethan at Kiel. Nakasalubong ko si Serenity na mukhang patungo rin sa studio. "Hi, Nate. Balita ko nawawala ka raw?" may ngiti niyang bati. Pinilit kong itago ang ngiti ko nang makita ko siya. Si Serenity, siya ang dahilan kung bakit wala akong balak na mamili ng babae sa kahit kaninong anak ng mga kaibigan ni Lolo. "Saan mo na naman nasagap ang balitang iyan?" sabi ko at nagtuloy sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin sa halip na dumiretso sa studio. Binagalan ko ang paglalakad ko upang makasabay siya sa akin. "Tinatanong ako ng kuya mo, si Sir Nike, sabi niya bigla ka na lang daw umalis kahapon ng bahay ninyo, at hindi mo sinasagot ang mga tawag niya." Napabuntong-hininga ako. "Ang hirap na kilala kayong lahat ng kuya ko, 'no? Lahat kayo natatanong," sabi ko at saka ko siya binalingan. Tinabingian niya lang ako ng ulo. Tinabingian ko lang din siya ng ulo at pinanood ang ekspresyon ng kanyang mukha. Bakit kaya kahit saang anggulo, ang ganda nya? Sa shape heart niyang mukha at may pagkapahaba pero bilog niyang mga mata. Ang simple lang ng ganda niya pero kakaiba. Napabaling ako sa kaliwa nang itulak niya ang pisngi ko. "Nate, pinag-aalala mo ang kuya mo," sabi niya na halata ang pagpipigil ng ngiti. Tila pansin niya ang klase ng pagtitig ko sa kaniya. "I will talk to him, don't worry," sabi ko habang sinusundan siya ng tingin na kasalukuyan nang lumilipat sa harapan ko. Huminto ako nang humarang na siya sa daanan ko. "Sinabi sa akin ni Kuya Nike ang dahilan ng hindi ninyo na naman pagkakaunawaan ng lolo mo. Huwag mo nang painitin ang ulo niya, just do what he wants you to do. Go to that party and-" "And have fun with other girls?" ako na ang nagdugtong ng sinasabi niya. Kinagat niya ang kanyang labi at bahagyang tumungo. Napahinga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. "Why do you want me to do that? You know that I won't, and you know why." Tinitigan ko ang mukha niyang pilit ko lang sinisilip dahil nakatungo pa rin siya. Para bang pinipilit niyang iwasan ang tingin ko. "Wala namang masama sa gusto ng lolo mo." Napahinga uli ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Serenity. Kung bakit niya ngayon pinipilit na sundin ko ang lolo ko. Wala kaming relasyon, pero hindi man kami nagsasalita ay alam ko na pareho kami ng nararamdaman. Alam ko na pareho kaming may pagtingin sa isa't isa na higit pa sa pagiging member ng Warriors o magkaibigan. Kaya hindi ko lubusan maisip kung bakit kailangan niyang ipilit sa akin na sundin ang gusto ni Lolo. "Nathan, Serenity!" narinig ko ang boses ng ilang Warriors, pero hindi ko sila binalingan. Nanatili ang paningin ko kay Serenity na ngumiti sa kanila. "Good morning," narinig kong masayang bati ni Charlly na isa sa mga members namin. Iniwanan ako ni Serenity at dinaluhan ang Warriors. Sinundan ko lang siya ng tingin. Hindi na niya ako nilingon pa. "Hala! Kuya Nathaniel, bakit nakabusangot ka na naman?" tanong ni Charlly na tinabingian ako ng ulo. "May bago ba roon?" natatawang tugon ni Axel. Imbes na sagutin ay nagpaalam na lang ako sa kanila. Saglit ko pang tiningnan ang mukha ni Serenity, ngunit hindi niya na talaga ako pinagtuunan pa ng atensyon. Naiiling na nagtuloy ako at iniwanan ang Warriors na kung magbatian ay para bang isang taon na hindi nagkita. Tinungo ko ang kinaroroonan ni Kuya Nike, sa room kung saan ang subject niya. Nagtatrabaho siya bilang professor dito sa Glaze Millers Academy. Pinayagan siya ni Lolo na kumuha ng Education dahil wala naman balak si Lolo na kontrahin ang gusto ni Kuya Nike, dahil nga sa wala naman siya ritong pakialam after all. "Ang akala ko wala ka nang balak magpakita pati sa akin," ani Kuya nang lapitan niya ako sa desk na inuupuan ko. "Ayokong pumunta sa event, alam mo 'yan," kaagad kong sabi. "Yes! Of course I know, but I want to hear it from you, and I want to know why." Bagsak ang balikat na sinagot ko siya. "Alam ko naman na irereto lang na naman ako ni Lolo sa kung kani-kanino, hindi niya kasi matanggap na mayroon na akong ibang gusto," reklamo ko na ikinailing ni Kuya. I've been vocal to him ever since. "Nathan, you're not gonna go there as a guy who wants a girlfriend, but you'll be there as Miguel Aldriano's grandson." Tinapik niya ang balikat ko. "You don't have to satisfy him by doing what he wants, but please don't disappoint him at least." ~***~ KAGAYA ng payo ni Kuya Nike ay dumalo nga ako sa event ng kompanya kung saan nagkalat ang mga mayayamang tao na kilala rin sa business industry. Naabutan ko si Lolo na may mga kausap na mga kaibigan niya. Kaagad na napansin niya ako at ipinakilala sa mga ito bilang magiging tagapagmana ng iba niyang mga negosyo. Diyan din naman ako lumaki, sa paniniwalang iyan. Nagpaalam na muna ako sa kanila at sinubukang hanapin si Kiel at Ethan. Actually, hindi ako umaasa na nandito si Ethan, dahil mula nang bumukod sila ng kapatid niyang si Claire sa bahay ng kanilang ama, hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon si Ethan na tumayong anak ng Adams. But I'm sure Kiel is here. Si Kiel ay madalas isinasama ng magulang niya sa mga ganitong events. Paanong hindi kung lahat ng negosyante ay hinahanap ang tagapagmana ng Alvarez. At hindi kagaya ko, Kiel is willing to accept that responsibility, and he's actually already good with it. Hindi ko alam kung saang parte na ng venue ako napadpad, ngunit maganda na rin dahil ayoko rin naman doon. Napakaraming mga tao. Hindi ko naman sila kilala pero lahat sila ay binabati ako. Puno ng berdeng bermuda ang kinaroroonan ko, at ang mga matingkad na ilaw sa loob ng resort ang tanging nagbibigay liwanag dito. Tumingala ako at tiningnan ang kalangitan. Hindi maulap at kitang-kita ang mga bituin at ang buwan. Pakiramdam ko ay nakatapat sa akin ang liwanag niyon. Sa bandang kaliwa ay may naaninag akong isang babae. Binalingan ko siya ng tingin dahil parang may kakaiba sa dalaga. Nakatayo siya sa mababang terrace na daan papunta sa kinaroroonan ko. Nakahawak siya sa pasimano habang ang isang pulsuhan ay nasa kaniyang mga mata. Nangunot ang noo ko. ‘Ano ang ginagawa niya? "Miss? Is there any problem, anything I can help you with?" tanong ko sa kaniya na halos pasigaw para marinig niya. Bumaling siya sa gawi ko, pero hindi ako sigurado kung nakita niya ako dahil parang hirap siyang imulat ang mga mata niya. "I-I can't see," narinig kong sinabi niya sa medyo mahinang boses. Itinuloy niya ang paglalakad. Napatingin ako sa nilalakaran niya dahil alam kong wala siyang makita. Naging alerto ako nang makita kong isang hakbang na lang ay wala na siyang mahahakbangan. "Miss, don't move!" Tumakbo ako sa kinaroroonan niya. Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko o ‘di kaya'y hindi niya lang ako pinansin, kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad dahilan para mahulog siya sa may 6 feet na taas ng terrace. Narinig ko ang sigaw niya sa gulat at sa malakas na pagkakatama ng katawan niya sa katawan ko nang saluhin ko siya. Mabuti na lang ay sanay na ako sa bagsakan ng katawan. Napahinga ako ng malalim. Pagdilat ng mga mata ko ay ang mga bituin sa langit ang kaagad kong nakita. Sinubukan kong balingan ang babae na nakadapa sa akin pero ang mukha niya ay nakatago sa gilid ng mukha ko. "Miss?" I managed to say. Kinabahan ako nang hindi kaagad siya gumalaw. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. "My eyes..." narinig kong daing niya at unti-unting iniangat ang katawan mula sa pagkakabagsak sa akin. Halos maduling ako nang magkatapat ang aming mga mukha, hindi ko mapigilan na mapatitig sa kaniya. Magulo na ang kulot at bagsak niyang buhok, nude ang kulay ng makeup niya na sinamahan ng matingkad na eye lashes at eyeliner na kalat na ngayon. Nakapikit pa rin siya habang dahan-dahan ang paghinga niya na tumatama sa mukha ko. "My contact lense..." narinig kong bulong niya. Napakurap ako at umupo kasama siya. Tila hindi talaga niya maimulat ang kaniyang mga mata. Inalalayan ko siya paupo habang siya ay nakatungo. "Let me help you," bulong ko at iniangat ang mukha niya gamit ang paghawak ko sa panga niya. "Open your eyes... for me," naramdaman ko ang marahas niyang paghinga at dahan-dahan na iminulat ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD