4pm bago natapos ang huli naming subject sa hapon.bitbit ang aking bag niyaya ko si macy na lumabas ng silid.kami nalang kasi ang naiwan dito dahil yung iba naming kaklase nauna ng lumabas ayoko din makipaggitgitan sa kanila.napasulyap din ako sa kinauupuan ni jhon rey sa bandang likuran.pero laking gulat ko ng makita ko siya nakatingin sakin ng seryoso kaya agad akong napaiwas ng tingin sabay hatak kay macy palabas ng silid namin.narinig kong tumikhim si jhon rey kaya napatingin ako ulit sa kanya.
"raine pwede ba kitang makausap kahit konting oras lang." seryoso niyang saad sakin agad din naman bumaling ang tingin niya kay macy.
"pwede ko bang hiramin ang kaibigan mo macy?" tanung niya dito.
hindi nakapagsalita si macy pero agad siya napatango sa kanyang sinabi.binitawan ko si macy para mauna na siyang umalis.
agad akong hinawakan ni jhon rey sa kamay at dinala sa bandang likod ng swelahan namin.ahumarap siya sakin at tumingin ng deretso sa aking mata.pero parang ayaw magsalita kaya ako na ang nagsalita.
"ano na?!akala ko ba gusto mo kong makausap.bakit parang hindi ka makapagsalita dyan??" sita ko sa kanya.
agad siya napa kamot batok at napayuko na parang nahihiya..
"pwede ba kitang ligawan raine?" tanung niya sakin
"noon pa man raine gusto na kita,lagi na akong nakabantay sayo,lagi kitang hinahatid kahit na sa malayo ako sayo,alam kong nabigla kita ngayon,pero sana naman payagan mo akong ligawan ka.please matagal ko ng gustong magtapat sayo nahihiya lang akong magtapat sayo.
"bakit ngayon ka lang nagtapat?" tanung ko sakanya.
"Ehh.ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sayo." nahihiya niyang saad.
napatanga ako sa kanyang sinabi.
"ah ganun bah?.sabi ko
" ah yan lang ba ang sasabihin mo?"seryoso kong sabi sa kanya para di niya mahalata na kinikilig ako sa sinabi niya.
"raine naman sabihin mo naman sakin kung may pag asa ba ako o wala" naiinis niyang sigaw sakin.
"teka teka,galit na galit gustong manakit?" natatawang saad ko sa kanya.
"eh hindi naman sa ganun pero raine gusto kong malaman mo na seryoso ako sayo."sabi niya sakin.
kinilig ako dun akalain mo nga naman ..yung crush mo my crush din pala sayo gusto kong mangisay sa kilig habang nagtatapat siya sakin pero pinigilan ko at pinanatili ang seryoso kong mukha .
" oh siya sige bukas na tayo mag usap ulit jhon rey napagod ako sa maghapong pag aaral pati ata utak ko napagod din."saad. ko sa kanya.
"sana raine bigyan moko ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sayo." seryoso niyang sabi..
"oo alam kong seryoso ka halata sa mukha mo eh"
"uwi na tayo jhon rey parang tayo nalang yung nandito sa skol natin eh."
"sige hatid na kita sa inyo" sagot niya sakin.
hawak ang kamay ni raine habang naglalakad sila papuntang gate.hinatid niya si raine pauwi kanila.
"pano ba yan dito nalang ako." sabi ko sa kanya
"sige bukas ipaalam mo sakin kung ano ang magiging desisyon mo ha?" sabay haplos sa pisnge ko.
"oo sige na uwi kana din maggagabi na "
agad naman siya umalis habang ako nakatanaw sa kanya hanggang sa nawala na ang bulto niya..pumasok na rin ako sa sa bahay.mabuti na lang walang taong nakakita sa kanya
pagpasok ko sa kwarto ko agad akong napagulong sa higaan ko sa sobrang saya ko.bukas mag iisip ako ng bagay na pwedeng iutos sa kanya para makita ko kong totoo talaga o hindi ang lahat ng sinabi niya sakin.
at jhon rey side:
hindi ko akalain na sasabog ang bagay na matagal ko ng tinatago sa loob ko.yung bagay na matagal ko ng kinikimkim dito sa kalooban ko.napakasaya ko dahil sa wakas nasabi kona kay raine na gusto ko siya.sana bukas pagbigyan niya ako ng pagkakataon na ligawan siya..
nakarating na ako sa bahay ng hindi ko namamalayan para nakaluyang ako sa hangin
"oh jhon rey jan kana pala." si nanay
"kadarating ko lang huh." tugon ko
"pumunta dito si tito mo greg.isasama ka daw niya pabalik ng maynila pagkatapos ng graduation mo" masayang pahayag ni nanay sakin.
nagulat ako sa kanyang sinabi.kaya agad ako napaisip kay raine pano ko iiwanan ang babaeng gusto ko?ngayun pa ba na nagtapat na ako sa kanya saka ko naman malalaman na iiwanan ko din pala siya.
"ma pwede bang dito nalang ako?"
nagtatakang tumingin si nanay sakin.
"dati gusto mong makapunta ng mAynila.ngayong andyan na yung opportunidad na makatongtong ka ng maynila ayaw mona?" takang tanung niya
"ma magpapaalam ako kila tito hindi ako sasama" final kong sabi sa kanya.
kaya lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"anong hindi sasama?" singhal niya sakin.
"doon ka mag aaral ng koliheyo at doon ka magtatapos!tapos ang usapan natin jhon rey!" sigaw niya sakin.
kaninang masayang ngiti ay napalitan ng lungkot dahil sa balitang hatid ni nanay sakin.ngayun palang nakikita kona mahihirapan akong lumayo kay raine.
pero anong magagawa ko matagal ko ng pangarap maka tungtong ng maynila.
"bahala na gagawin ko ang lahat magustuhan lang ako ni raine saka ako magtatapat sa kanya tungkol sa pagpunta ko sa maynila." pangpakalma kong sabi sa sarili.
agad akong pumasok sa silid ko..only child lang ako kaya ako lang ang kasama ni mama sa bahay.wala din akong ama dahil sabi ni mama tinakbuhan daw siya ng taong nakabuntis sa kanya.
si mama naman my maliit na tindahan sa labasan at pautangan ng pera diyan kami kumukuha ng pang araw araw namin.
pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako para hanapin ang dalawa kong kumag na kaibigan.sa plaza ako pumunta dahil andoon yon pumupunta ang dalawa pagkatapos ng klase.diko kona kasi sila nasasabayan dahil busy ako kay raine
"hey!" saad ko sabay appear sa kanilang dalawa.
"so ano na tol.nakita ko kayo kanina ni raine magkahawak kamay papuntang likod ng paaralan .ano ginawa mo sa kanya?" si vincent.
"magtatampo na ba kami niyan dahil busy ka kanina sa kanya?" segunda ni derek
tumikhim muna ako bago ako sumagot sa kanilang tanung.
"kaya mo kanina nakita n papuntang likod dahil kinausap ko siya kong pwede ko siyang ligawan.in short nagpaalam akong ligawan siya." sabay tingin kay vincent agad akong tumingin kay derek.
"and wala akong paki kahit magtampo kayong dalawa sakin dahil alam ko namang hindi niyo ko matitiis." ngisi kong balik sa kanilang dalawa
"aba'y ang tapang mo bata!" proud na sabi ni vincent.
"libra naman kahit barbeque stick lang pampa goodvibes pare" masayang dugtong ni derek.
sumang ayon kaagad ako sa kanila.
gabe na ng bumalik ako sa bahay namin nakita ko si mama na naghihintay sakin sa gilid ng pinto.agad akong humalik sa pisnge niya at pumasok naramdaman ko rin na sumunod siya sakin.
"nak alam ko ngtatampo ka sakin pero pwede bang kausapin moko." si nanay
"mama hindi po ako nagtatampo sa inyo nag iisip lang po ako ng paraan kong pano ko sasabihin kay raine ang tungkol sa pag alis ko pagkatapos ng graduation." malungkot kong sagot kay mAma
"bakit nak kayo na ba?"
"kanina lang ako nagtapat sa kanya ma"
agad namang napangiti si nanay sa sinabi ko.
"asus yung anak ko binata kana talaga marunung kana manligaw" lambing niya sakin
"first time to mama kaya kinakabahan pa ako mama." proud kong sabi.
"sana nak makilala ko rin yung babaeng nililigawan mo" madamdaming wika ni mama
"sure mama ipapakilala ko siya sa iyo.mabait yun tiyak na magugustuhan mo siya." sabi ko
tumango na rin si mama at nagyaya ng kumain ng haponan.masaya kaming nag uusap ni mama habang kumakain.sana bukas maging ok na ang lahat.sana bukas payagan ako ni raine na ligawan ko siya.
marami pang sana sa isip ko pero saka kona iisipin ang iba kapag kami na ni raine.
(thank you sa support my brother and my komare.)