H E L E N A Bumalik ako sa cottage na parang walang nangyari. Maingay parin sila at para bang napakaganda ng gabi nila ngayon. Thanks to Zachary, my trip was ruined! Iilang girls nalang ang natitira dahil siguro pinagpapahinga na ang mga bata. Umupo ako sa tabi ni Zeus na tumatawa. Namumula na ang mukha niya, para bang ang tagal kong nawala para magkaganito na sila. Hindi nila napapansin ang pagdating ko dahil nasa ibang mundo na sila. That is why, I hate drinking! "Zach. How was it?" tanong ni Yvo. Tumigil ito sa harapan naming lahat pero sa akin nakatingin, "She's still busy." "Ganiyan talaga pag-model ang girlfriend. Huwag mo ng papakawalan," sabi ni Jenny. Girlfriend, my ass! Kung alam lang ng mga tao dito ang nangyayari. Siguro ay nag-excuse ito sa kanila na aalis para tawagan s

