H E L E N A 16:00. Napagdesisyonan naming magsi-uwian na muna para magbihis at ihatid din ang mga bata. May iba na sa kanila na hindi na makakasama sa night out namin, katulad nalang kay Diane na pinapauwi ng Dad niya at iba pang batchmate nila Kris dahil ayaw nang payagan ng mga asawa. Nakakalungkot pero okay lang. Ito na yata ang kinakatatakutan ko, kaya ayaw ko munang isipin ang mag-asawa. Kuntento pa kami ni Kris sa ganitong set-up. Nasa condo kami ni Kris ngayon at dito na muna nagpahinga. Ayaw naming abalahin si Manang at Manong sa bahay at malapit lang din dito ang pupuntahan namin mamaya. "How's Zachary?" inabutan ako ng canned beer ni Kris. Tinaasan ko siya ng kilay habang tinatanggap ito, "What do you mean? Close ba kami?" "I mean..." uminom muna ito bago magpatuloy, "his am

