H E L E N A "Finish line! Whoah! I won!" napatayo ako sa saya. For the first time ever, nanalo narin ako sa larong ito. Snake and ladder. Nakalimang pitik na ako sa tainga, feeling ko malalaglag na ang tainga ko sa sakit. Mukhang minaliit ko yata si Kris kanina sa larong ito. I hate it. Ayaw ko na. Kailanman ay hindi na ako maglalaro ng ganito. Lalo na't kalaban ang lalaking ito. No mercy. Tumayo ako at kinuha ang baraha ko sa bag. "Tong-its?" tanong ni Kris. Umiling ako at umupo ulit, "Unggoy-unggoy." "Okay." may kompyansa ang ngisi ni Kris. Anong akala niya sa akin, talunan? Hindi pa ako natatalo sa larong ito. Nagsimula na kaming maglaro at nasisigurado kong panalo ako. Hindi pwedeng matalo nanaman ako, masakit sa pride siyempre. As usual marami kaming kalokohang ginagawa througho

