Chapter 3- First Kiss*

2039 Words
[Mandy's POV I tried my very best to look good today, Harry Esconde asked me out on a dinner. Isang linggo na rin siyang nanliligaw sa akin. I should be proud, hindi ko lubos maisip na ako ang isang nobody sa school namin ay mapapansin ng campus heart rob. Siya ang pinakagwapo at popular sa Hayakawa University. Kilalang-kilala ang eskuwelahan namin bilang tambakan ng mga celebrities. Lahat ng mga nag aaral dito ay galing sa matataas na antas ng lipunan, model, artista, elitista, athletes anak ng mga politiko at mga business tycoons. Halos lahat ay nag aagawan sa posisyon bilang campus personalities. "Hmm.. You look so different today." Napahimas pa sa kaniyang baba si Gwen at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Katatapos lang ng last subject namin at pasado alas sais na. "May date ako," may pagmamalaking sabi ko. "Kanino?" interesadong tanong niya. "Kay, Harry," mabilis na tugon ko. Dismayadong napasimangot ito ng marinig ang pangalang binanggit ko. "Honestly and brutally speaking hindi ko siya bet para sayo, my dear. Masyado siyang mayabang at mukhang manloloko." "Tsk... Let me correct it, hindi pala siya mukhang manloloko dahil manloloko naman talaga siya. If I were you, lalayuan ko na ang lalaking iyon kung ayaw mong masaktan ang damdamin mo. For sure wala naman gagawinf matino ang lalaking 'yan. Don't make me wrong, sinasabi ko lang sa'yo ang lahat ng ito para ilayo ka sa kapahamakan." "Huh! Grabe ka naman, Gwen. Mali ka ng pagkakakilala kay Harry, mabait naman siya at mukha naman siyang sincere sa akin. " "Tsh... Ipapaputol ko ang isang daliri ko sa kamay kung seryoso talaga siya sayo. Gusto mo pa tumakbo ako ng hubo't hubad sa campus natin kapag napatunayan mo sa akin na mali ako ng pagkakakilala sa lalaking 'yon. " Ganun ba talaga ka-confident itong kaibigan ko na ito para gawin ang mga bagay na iyon? Siguradong-sigurado talaga siya na hindi seryoso sa akin si Harry at niloloko lang ako nito. Hindi ko alam kung kagaya rin ba siya ng iba na maliit ang tingin sa akin dahil ako lang ang naiiba sa lahat. Isa lang akong mahirap at walang maipagmamalaki, kaya lang naman ako nakakapag aral sa pang mayamang eskuwelahang ito dahil si Tito Zandro ang nagbabayad ng tuition fee ko. "Hey. Why are you looking at me like that? It's not what you think it is, Mandy. Kung sa physical appearance bagay naman kayo gwapo siya at maganda ka, but come to think of it hindi lang itsura ang pamantayan sa eskuwelahang ito, mas mahalaga dito kung magkano ang net worth ng pamilya mo." "Hay.... Ang dami mo pang sinabi bakit ba ayaw mo pa kasing aminin na kagaya ng lahat ng estudyante rito ay mababa rin ang tingin mo sa akin," medyo pikon ng sabi ko. Biglang sumeryoso ang mukha ni Gwen. "Tsh. Wala ka pa talagang alam tungkol sa akin. Sa tingin mo ba kakaibiganin kita kung katulad din nila ako? We're on the same shoes, I can feel you. Kaya ko sinasabi ang mga ito sa 'yo dahil kaibigan mo ako at concern ako sa 'yo. " Nakita ko ang sincerity sa mukha niya, halos limang buwan palang naman kaming magkaibigan, transferee kasi itong si Gwen. "Sige na, okay na. Kailangan ko ng umalis hinihintay na ko ni Harry sa parking," may pagmamadaling sabi ko ng makita ko ang text nito sa cellphone ko. "Basta binalaan na kita. Malaki ka na, alam mo na ang makakabuti sa 'yo," pahabol na bilin pa nito sa akin. "Yes po, Ma'am!" Pilyang ngumiti ako rito sabay saludo. Kinuha ko ang aking shoulder bag sa upuan at nagmamadali ng lumabas ng class room. _ Dolce Far Niente, isang high class Italian restaurant, dito tumigil ang sasakyan ni Harry. Hindi ko inisip na sa ganito ka-sosyal na lugar niya ako dadalhin. Simpleng bestida lang ang suot ko, damit ko pa ito noong isang taon ng mag debut ako. Ito lang ang matino kong damit na nahalukay ko sa cabinet. "I already reserved a table for the two us, just follow my lead." Dire-diretso na itong naglakad na para bang walang kasama. Ako naman itong anga-anga na sumusunod lang dito. Tsk. Ilang taon narin ako sa pang mayamang eskwelahan pero hanggang ngayon hindi ko ma-adopt ang lifestyle ng mga schoolmates ko na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. "Take a sit. " Itinuro nito ang katapat na silya, kaya naman maingat kong inurong iyon at naupo. "I will not take this far, Mandy, this is all a game." Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin na wari bang hinihintay ang magiging reaksyon ko. "A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko siya maintindihan at para bang may kakaibang kaba akong nararamdaman ng mga sandaling iyon. "Tsh. Hindi ka lang pala poor, slow ka pa," sabi nito na para bang nang iinsulto. Napatda ako sa tono ng pananalita niya, hindi naman siya ganyan dati kapag kausap ako, masyado siyang sweet at caring, why sudden change? "Me and my friends just want to make fun of you. It's a dare to make you fall at me and then breaking your heart in the end. That was so cool, right?" nakangising sabi pa. "Why are you doing this to me? I thought you love me. " "And who do you think you are for me to fall for you?" "You are nothing but a pathetic loser!" Hindi ko mapigilang mapailing, tama nga si Gwen, sasaktan lang ako ng lalaking ito. Dapat nakinig ako sa kanya. "Magpasalamat ka na lang sa akin dahil napansin kita. At sino namang magkakagusto sa iyo? I am Harry Esconde Campus Heartrob mag gi-girlfriend ng isang nobody!" "Pinagpustahan ka lang namin ng barkada ko, that's the truth and now that I got my price it's time for me to dump you. But of course, I have to thank you first before doing that. This is my treat for you as a sign of gratitude, baka sabihin mo naman na napakasama kong tao. You've been very cooperative with me and you worth the prize, sweetie. Hindi mo ako pinaghirapan, madali kitang napaikot sa aking mga palad and because of that, I now have my Porsche dream car in an instant, no sweat." May pagmamalaki pang sabi nito. Tsk. Sa sobrang fascinated ko sa peste at walang konsensiya na lalaking ito, ngayon ko lang napansin hindi naman pala gaanong maganda ang mga mata niya. Paningin ko sa kaniya dati perfect, may kapintasan din pala ang mayabang na ito. "Ang sama mo! Ang sama- sama mo! Ginamit mo lang pala ako," mangiyak ngiyak na sabi ko Sino ba naman ang hindi iiyak pinagmukha ba naman akong tanga. Ang bwisit na mayabang na ito, pinag aksayahan ko pa ng oras ko, gagaguhin lang pala ako! Ngunit laking gulat ko ng may lalaking bigla nalang sumulpot sa harapan namin. Higit itong gwapo ng sampung paligo kaysa rito sa kasama ko. Nang mapagawi ang tingin ko kay Harry ay parang nabigla rin ito sa hini inaasahang pagsulpot ng lalaking ito sa gitna ng aming seryosong usapan. At lalo ko pang ikinagulat ng walang kaabog-abog na hinawakan nito ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Hinatak niya ako patayo at itinago sa kanyang likuran, sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na ako nakapag react. "Huh! Who are you?" Tarantang tanong ng mayabang na si Harry dito. Nagsusukatan ng tingin ang dalawa at walang sino man ang gustong magpatalo. "I am, Dylan Monteclaro, the owner of this restaurant and this girl is my girlfriend." Napaka kalmado lang niya habang sinasabi iyon. "Huh! Pa'nong...?" Magsasalita pa sana ako dahil wala naman akong alam sa mga pinagsasabi niya. Pero, pinigilan niya akong magsalita sa pamamagitan ng marahang pagpisil sa kamay ko na ngayon ay hawak-hawak parin niya. Pa'nong magiging boyfriend ko ang napakagwapong lalaki na ito samantalang sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang siya nakita? "Oh, come on, the famous Dylan Monteclaro. How come na naging girlfriend mo ang babaeng 'yan?" hindi makapaniwalang tanong nitong si Harry na walang kasing hangin. Napasuklay pa ang kamay sa kanyang buhok. Ramdam ko ang tension sa kanilang dalawa. "You looked so surprise. We just have a misunderstanding, right babe? "Pumihit ito paharap sa akin at binalingan ako ng makahulugang tingin na para bang sinasabing "just go with the flow" sabay kindat. "I'm so sorry, babe! Alam ko na ngayon ang mali ko, from now on I will not taking you for granted. I love you so much. Please forgive me!" Napakurap-kurap pa ang mga mata ko habang nakatitig dito. Nanaginip lang ba ako? Para kasing nasa isang pelikula ako, napakagaling umarte ng lalaking ito sa harapan ko. Kahit ako mismo parang gusto ko nang maniwalang boyfriend ko nga siya. "Ye-yes, pinapatawad na kita," sagot ko, ewan ko ba, kusa na lang iyon lumabas sa bibig ko parang nadala narin ako sa acting niya. Napanganga ako nang bigla nalang niya akong kabigin at yakapin. Nagpalakpakan ang mga taong nasa loob ng restaurant na nakasaksi sa mga pangyayari. "Kiss... Kiss...!" Natigilan ako at bumalik sa reyalidad ng magsigawan na ang mga tao sa paligid namin. Sinimulan ng isa na patunugin ang kaniyang baso sa pamamagitan ng pagpalo ng kutsara rito at nagsipag gayahan naman ang lahat. Tumingin muna ito sa akin nagtatanong ang kanyang mga mata kung gagawin ba niya o hindi ang hinihiling ng mga tao na dalang-dala sa eksena naming tatlo. Walang reaksiyong tiningnan ko lang ito. Ayaw mag sink in sa utak ko kung ano ba ang dapat gawin sa sitwasyong ito. Sa huli'y nagawa akong dampian ng banayad na halik nito sa aking labi. Kahit sobrang bilis lang pero bakit parang tumigil ang mundo ko? Nag freeze ang lahat at ako lang at siya ang tanging gumagalaw. Ano ba itong nararamdaman ko? Para bang may napakalakas na boltahe ng kuryente ang gumapang sa buo kong katawan. Ngunit bigla rin akong nagising sa tila ba isang magandang panaginip ng marinig ko ang malakas na palakpakan. Clap! Clap! Clap! Ang unang pumasok sa isip ko ay lumayo sa lugar na iyon dahil sa kahihiyan pero kailangan ko munang kumprontahin ang lalaking ito na nag nakaw ng halik sa akin. Kaya naman agad ko itong hinatak palabas ng restaurant . "Hey, Mandy! Where are you going? We're not yet done. Babawiin ang sports car ko kapag hindi ko nasabi sayo ang final words!" tarantang tawag ni Harry sa akin. "SAY IT TO YOURSELF THEN BASTARD!" Mapang asar na sabi nang lalaking hila-hila ko sabay ngisi pa kay Harry. "This is a bullshit! f**k! f**k!" Gusto kong matawa nang malakas dahil sa naging reaksyon ni Harry para siyang isang baliw na pinaghahampas ang lamesa. _ "What do you think you're doing? " Asar na tanong ko rito ng nakalabas na kami. Nakapamulsa ito at walang kaseryosohang nakatingin sa akin hawak-hawak pa ang kaniyang labi at pilyong nakangiti. Buti na lang at gabi na, madilim sa labas kaya naman hindi niya mapapansin kung gaano ako pinamulahan sa kapilyuhan niya. Hindi ko maisumbat sa kanya kung bakit ba niya ako ninakawan ng halik? First kiss ko 'yon,eh. It should be memorable and romantic at siyempre dapat ay do'n sa taong mahal ko at hindi sa isang stranger. "Why are you so mad at me? You should thank me instead for saving you in disgrace." Napabuga ako ng hangin sa sinabi nito. "Huh! Saving in disgrace! Eh, anong tawag mo doon sa ginawa mo sa akin? You kissed me in front of many people hindi ba kahihiyan din 'yon?" "And what do you want me to do, to kiss you in private? Pwede namang ulitin natin if you will insist." Shit lang. Napakapilyo talaga ng lalaking ito. "Ughh! You're so impossible!" Napapadyak na ako sa sobrang inis dito. "Hahaha! You look so cute." Ang lakas ng halakhak niya at talaga namang tuwang-tuwa. "Ah-ewan ko sa' yo! Bahala ka sa buhay mo!" singhal ko rito sabay walk out. Tamang tama naman na may dumaang taxi sa harapan namin kaya dali-dali kong pinara iyon para magpahatid pauwi. What a bad day? Ang buong akala ko si Harry ang magiging first kiss ko ngayong gabi ibang tao pala and take note hindi ko pa kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD