Chapter 2

2222 Words
Woman             “H-HUWAG kang lumapit! H-huwag, p-please. Pa-parang awa mo na,” puno nang pagmamakaawa kong pakiusap sa kanya habang punong puno ng luha ang aking pisngi at paupo na umaatras papalayo sa kanya dahi sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang mala-demonyo nitong ngisi sa kanyang mga labi at unti-unting humahakbang papalapit sa kung saan ako umaatras. Hindi matigil tigil sa pagdaloy ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko nang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. I bend my knees in front of me at niyakap ito habang mas lalong isiniksik ang katawan sa malamig na pader sa likod ko. “J-joshua, please, I’m begging you to stop. H-hindi ikaw ‘to,” niyakap ko pa lalo ang mga tuhod ko dahil sa hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko para ilayo ang sarili mula sa kanya. Yumuko ako para maiwasan ang mga mata nitong nanlilisik na puno ng galit na hindi ko alam kung para saan. Napasigaw ako sa sakit at napatingala sa kanya nang maramdaman ko ang malakas nitong paghablot sa buhok ko na parang pati ang anit ay madadala. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya sa buhok ko habang kinakaladkad ako nito gamit ang may kahabaan kong buhok. Habol ang hininga ay tumigil ito sa paglalakd at pagkaladkad sa akin na akala ko tapos na ang pagpapahirap niya sa akin ngayon pero nagkamali pala ako. Isang nakakabinging sigaw ang nagawa ko nang hinagis niya ako sa kama na parang isang akong hayop sa kanya. Agad akong naupo sa kama at umatras nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang head board ng kama sa likod ko. Muli kong niyakap ang mga tuhod ko at ibinaon ang mukha rito para hindi ko makita ang mga mata nito at mga ngising demonyo nito. Mahina akong napahikbi habang nakatago pa rin ang mukha sa pagitan ng tuhod ko. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot at sakit na nararamdaman ko sa ginawa niya at sa mga possible nitong gawin ulit sa akin. I already had enough of all of this. Sobrang pagod na ng katawan ko. Naramdaman ko ang pag-uga ng kutson kaya mas lalo kong isiniksik ang katawan ko sa head board ng kama. Isang malakas at nakakabinging sigaw ulit ang pinakawalan ko na parang mapapaos na ako dahil sa paghila nito ng mga paa ko at agad niya akong kinubabawan. Niyakap ko ang sarili ko sa ilalim niya pero hindi iyong naging hadlang sa mga plano niya sa akin. Hindi na magkamayaw ang mga luha sa pagtulo sa mga pisngi ko habang maharas akong umiiling sa kanya at nagmamakaawa pero mas lalo lang lumapad ang demonyong ngisi nito na parang nag-e-enjoy pa itong makita at marinig ang pagmamakaawa ko sa kanya. “H-huwag. Tama na. Ayoko na.” hindi ko na nakikilala ang boses ko sa sobrang basag at hina nito na parang kahit ang taong may matalas na pandinig ay hindi na ito maririnig pa. Wala na ang mga tingin nitong puno ng galit at napalitan na ito ng puno ng pagnanasa at pagkasabik ang tingin sa akin. Umamba itong pupunutin ang damit ko nang inipon ko ang buong lakas ko para itulak ito at hindi naman ako nabigo. Nahulog ito sa ilalim ng kama na may malakas na impak at kinuha ko iyong pagkakataon para umupo at umalis ng kama at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan. Nakakailang hakbang palang ako mula sa kama ay napaluhod na ako sa sahig at napahawak sa batok ko dahil sa malakas na bagay na tumama rito. Nanginginig man ang mga kamay ay nagawa kong tignan ito dahil sa malapot na likido na nakapkap ko rito at ilang sandali lang ay nawala na ang aking ulirat.   Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal na inilibot ang paningin sa paligid. Ilang beses at ulit na malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago napakalma ang sarili dahil sa takot na nadarama kani-kanina lang dahil sa panaginip kong gusto ko ng makalimutan. Maliwanag na sa labas dahil sa sikat ng araw na tumatama sa bintana ng apartment na iniuukupahan ko. Pinahid ko ang noo kong napuno ng pawis at ang pisngi kong puno rin ng luha? Napailing ako bago umalis ng kama at pumuntang banyo para ayusin ang sarili at para mawala ang panaginip na hindi pa rin mawala-wala kapag natutulog ako. It was just a dream. A really, really bad dream that hunts me every day. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa biglang pagpop-up ng naging panaginip ko. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at winaksi ang mga bagay na hindi ko na dapat pang maalala dahil matagal na iyon. It's been 10 years since that day had happen but those nightmares never leaves me. And I always felt that there’s a hole in my heart that I need to figured out for me to be peaceful even when my dreams keeps on hunting me every night. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng banyo at kuwarto ko. Napangiti na lang ako habang naglalakad papunta sa kusina nang may naramdaman akong nakakakiliti sa paanan ko. I bend my knees and smiled at him. He purred and wagged his tail dahil sa paghagod ko sa malambot nitong balahibo. "Good afternoon, sweetie," he barked at me and wagged his tail again. Patunay na masaya ito na makita ako. Tumayo na ako mula sa pagkakabend at hahakbang na sana papuntang kusina nang may narinig akong katok mula sa labas ng apartment ko. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Lalo na at may mga trabaho ang mga kaibigan ko ngayon. Nakakunot noo pa rin ako habang humakbang papuntang pinto para buksan ang kung sino man ang nasa labas nito. Kalahati pa lang ng pinto ang nabubuksan ko pero natuod na ako at napatigil sa tuluyang pagbukas ng pinto dahil sa taong nasa likod nito. Napa-awang ang labi ko dahil sa gulat at hindi makapaniwala kung bakit nandito ito ngayon sa harap ko. Sa labas ng apartment ko! Ilang minuto ang lumipas ng matauhan ako sa pagkakagulat at masama itong tinignan na ikinangisi niya lang. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib ko at tinaasan ito ng kilay. "What are you doing here?" mataray kong tanong sa kanya with a British accent ang tunog ng boses ko na palagi kong ginagamit kapag nasa trabaho o kaya ay naiinis sa isang tao. Katulad na lang ng nasa harapan ko ngayon. Akma itong papasok nang pinigilan ko ito gamit ang buo kong katawan. Nakataas pa rin ang kilay kong nakatingin sa kanya na sinuklian niya lang ng ngisi na nagpairita pa lalo sa akin. "And where do you think you're going, Mr. Ruthless?" Ang kaninang nakangisi nitong mukha ay napalitan ng kunot na noo at nakabusangot na mukha dahil sa tanong ko. "What did you call me?" tumindig ang balahibo ko sa batok nang marinig ulit ang baritono nitong boses. Ramdam ko rin ang biglang paglakas nang kabog ng puso ko nang marinig ang boses nito. "Mr. Ruthless. I heard them call you that. So I assumed that it's your surname? Or your name?" Hindi ko pinahalata ang hindi ko pagiging komportable nang marinig ang boses niya. Nakakataas ng mga balahibo at nakakabasa ng—what the hell, Iria?! Narinig ko ang mahina nitong pagmumura kaya kinunutan ko ulit ito ng noo at bumuntong hininga bago nagsalita ulit. "Kung magmumura ka na lang din naman pala magdamag, better leave, mister. Masakit sa tainga ang makarinig ng mura lalo na sa’yo." isasarado ko na sana ang pinto nang hinarang nito ang katawan niya at pabalang na binuksan ito na mas nakadagdag sa pagkainis ko sa kanya. Naiinis ko itong tinignan nang dire-diretso lang ito sa pagpasok sa loob ng apartment ko kahit na wala itong pahintulot mula sa akin. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad ito at inililibot ang paningin sa buong apartment ko. Umupo ito sa sofa at nakadekwarto ang kaniyang paa na parang nasa bahay niya lang ito. Feel na feel at home ang walanghiya! "Mr. Ruthless, ano ba talaga ang kailangan mo at bakit ka nandito sa loob ng apartment ko?" masama na ang tingin ko sa kanya dahil feel na feel at home na talaga ito. Tumango-tango ito at parang hindi narinig ang tanong ko sa kanya na mas lalong nagpainis sa akin. "Mr. Ruthless—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumabat ito. "Stop calling me that s**t name, baby," nakatitig na ito sa akin ng seryoso kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa pagtitig nito at ang itinawag nito sa akin. "The name's Reece and that's what will you call me from now on." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya at ibinalik ang tingin sa kanya Call him by his name? And who is he to order me around? Hindi na rin naman ito mauulit pa dahil ito na ang huli naming pagkikita kaya bakit ko pa siya tatawagin sa pangalan niya? "Ano ba talaga ang kailangan mo? At bakit ka ba nandito?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina sa kaniya. "I have an exclusive offer for you, honey," ngumiti ito na kita ang mapuputi nitong mga ngipin at ang cute nitong dimple sa kanang pisngi. Pero imbes na magwapohan ako sa kanya, kinabahan lang ako dahil sa sinabi niya. "And I don't take NO as an answer," pinaagdiinan talaga nito ang pagsabi ng ‘no’ kaya dalawang kilay ko na ang tumaas dito. Ang kapal din pala ng mukha nitong lalaking 'to para mag-offer na wala rin naman pala akong pagpipiliin. Anong tingin niya sa akin? Madaling umoo sa magiging offer niya? E, gago pala siya! Hindi ako sumagot o nagsalita man lang na ikinairita niya at palihim akong ngumisi nang makita itong humugot ng malalim na buntong hininga na parang ang laki ng problema niya. Tumingin ito diretso sa aking mga mata bago isinambit ang mga katagang nagpahina ng aking mga tuhod. "Be my woman, Iria Marie Delcena," napakapit pa ako sa malapit na upuan para suportahan ang sarili ko para hindi tuluyang matumba mula sa pagkakatayo. Seryoso lang ang mukha nito samantalang ako naman ay parang nakakita ng multo dahil sa sobrang pagkagulat sa mga sinambit nitong mga salita. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita at magprotesta pero walang kahit isang salita ang lumabas dito at parang may bagay na humaharang sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses dahil baka mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi nito. Napailing-iling ako at napatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala sa sinabi nito at nakitang nakangisi na itong nakatingin sa akin. "I'll give you three days, honey. Three days to pack your things and move it in my penthouse and you’ll also quit your job," ipinakita pa nito ang tatlong daliri na parang ini-emphasize ang gusto niyang ipaalam sa akin. Sa ayaw o sa gusto ko man. Hindi pa rin ako makapagsalita kaya nakita ko itong tumayo mula sa pagkaka-upo at naglakad papalapit sa akin. Sinubukan kong umatras papalayo sa kanya ng ilang dangkal na lang ang layo ng mga katawan namin. Napasinghap ako nang hapitin nito ang bewang ko at idinikit sa katawan niya. Ramdam ko ang sobrang pagbilis nang t***k ng puso ko at ang pagpigil ko ng hininga ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Ramdam ko ang kakaibang init na hatid ng katawan niya sa katawan ko na dahilan nang pagkabasa ng p********e ko? What the heck?! Sinubukan kong kumawala sa pagkakahapit niya sa bewang ko pero mas lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakakapit dito. Napaawang ang labi ko para sana magprotesta nang agad nitong sinakop ng kanyang labi ang labi ko. Ramdam ko ang sobrang lambot ng labi niya na nakalapat na sa akin. Na sa bawat galaw ay madadala at madadarang ka. Ipinasok nito ang kanyang dila sa loob ng bibig ko ng hindi ako tumutugon sa mga halik niyang nakakabaliw. Napa-ungol ako sa ginawa niya dahil sa kakaibang sarap at init na dala nito sa katawan ko. Hindi ko namamalayan na tumutugon na pala ako at nakakawit na ang dalawa kong braso sa batok niya habang hinahatak pa lalo ang mukha niya sa akin para mas lalong pailalimin ang mainit naming mga halik. Pareho kaming hinihingal nang bumitaw sa halik na pinagsaluhan namin. Idinikit nito ang noo niya sa noo ko habang hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Mas lalo niya pang idinikit ang katawan namin at ramdam ko na parang may bukol na tumutusok sa puson ko. Nanlalaking mga mata ko itong tinignan at ngumisi lang ito sa akin bago ako pinakawalan.  Mahigpit akong kumapit sa malapit na upuan dahil ramdam ko pa rin ang panghihina ng tuhod ko sa halik na pinagsaluhan namin. "See you in three days, baby," aniya bago ako halikan sa noo at walang lingon-lingon na iniwan akong hindi makapaniwala sa nangyari sa amin kani-kanina lang. Napahawak ako sa labi ko at inisip ang nangyaring halikan sa pagitan namin. What the heck was that, Iria? C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD