Chapter 7:

2125 Words
 Mad             NAKANGITI akong pumasok sa building ng dati kong pinagta-trabahohan. I greeted the guard a good afternoon bago dumeretso ng elevator. May mga nakasabay din akong sumakay sa elevator pero hindi ko ito mga kilala dahil palagi akong night shift no'ng nagta-trabaho pa ako rito. They just smiled at me na para bang boss din nila ako kasi nakita nilang pinindot ko ang last floor. Oh, well. Napakibit balikat na lang ako at hindi na sila pinansin pa. Wala naman kasi silang alam kaya siguro gano'n na lang ang inaasta nila sa akin. Akala siguro nila ay girlfriend ako ng baliw at makulit nilang boss. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako pumunta rito imbes na manatili na lang doon sa penthouse ni Reece o sa kaniyang opisina. Nakakabagot naman kasi na roon lang ako buong araw tapos ako lang mag-isa. Wala rin naman akong ginagawa roon dahil pinagbawalan niya ako. Kaya nang maisip kong gumala ay etong building na 'to ang una kong naisip. Dahil na rin siguro sa na-miss kong pumasok rito kahit na kahapon palang naman akong last na nakakapunta rito. I don't know why pero sobrang komportable ako kay Rui kahit na kahapon lang kami nagkakilala ng pormal at hindi dahil kaibigan ito ni Reece. Baka dahil nararamdaman ko ang pagiging kuya niya na hindi ko man naranasan noon sa mga pinsan ko at sa nag-iisa akong anak. Mapait akong ngumiti dahil sa naalala. Mga alaalang hindi ko naman kagandahan at mga alaalang pinagkait sa akin. Bumukas ang elevator at nagtaka akong wala na akong kasama sa loob at natawa na lang dahil nasa last floor na pala ako ng building. Lumabas na ako at naglakad papunta sa desk ng sekretarya niya na busy sa harap ng computer at madaming ginagawa. "Uhm.. Hi, nasa loob ba si Rui?" tawag pansin ko sa sekretarya niya. Iniangat naman nito ang tingin niya sa akin at medyo nagulat pa itong makita ako sa harap niya kaya ngumiti ako sa kanya ng tipid. Kalaunan ay ngumiti naman ito at nagtanong. "May appointment po ba kayo sa kanya?" napangiwi ako sa tanong niya at napailing na nagpakunot ng kanyang noo. Kailangan ba talagang kumuha muna ng appointment sa baliw na 'yon? Gara niya, ah. Natawa ako sa naisip at umiiling iling dahil para na akong baliw dito habang kaharap ang sekretarya ng baliw na ‘yon. "Wala, e. Hindi ko kasi alam na kailangan pa palang makakuha ng appointment para mabisita siya." May alanganing ngiti kong sagot sa tanong niya. "You're Ms. Delcena, right? 'Yong pinapunta ni sir Apurada kahapon?" tumango ako sa tanong niya ulit dahil naaalala pa pala niya ako. "Yes, I am. Busy ba siya?" Hindi ito sumagot at yumuko muna tapos may kinuha itong notepad at may tinignan. Baka schedule iyon ni Rui. Nakangiti na ito nang inangat niya ulit ang ulo niya at umayos siya ng pagkakaupo bago nagsalita na ikinangiti ko ng malapad. "Wala naman siyang appointment sa mga oras na ito kaya pwede po kayong pumasok. I'll inform him na hinahanap mo siya." Umiling ako sa kanya, "Huwag mong ipaalam sa kanya. I'll surprise him. Thank you!" nakangiti na akong nagpaalam dito at pumunta sa harap ng pinto ng opisina ni Rui. She doesn’t need to guide me dahil alam ko naman na ang pupuntahan ko at isa pa, kahapon lang naman ako nakapunta rito kaya hindi ko pa makakalimutan ang mga bagay-bagay. Hindi na ako kumatok at pinihit na lang ang doorknob. Dahan-dahan ko itong itinulak para walang ingay akong makapasok. Nagtagumpay naman ako at dahan-dahan ko naman ulit itong sinarado ng walang ingay para hindi niya malamang may pumasok ng walang paalam sa opisina niya. Napangiti ako at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ulit ng opisina nito. Ang ganda talaga. I really love the mixture of the colors. Ang aliwalas lang kasing pagmasdan. Napako naman ang tingin ko sa isang bulto ng tao na nakasubsob ang mukha sa gitna ng mesa nitong puno ng mga papeles. Nang pagpunta ko dito kahapon, wala pa 'yan ah. Bakit natambakan na ito ngayon? Kawawa naman ng makulit na baliw na 'to. Subsob sa trabaho kaya siguro nakatulog ito at hindi namalayang pumasok ako. Naglakad ako palapit sa kanya at nang makalapit ay nakitang mahimbing itong natutulog. Para itong batang hinele ng kanyang ina sa aliwalas ng mukha niya habang tulog. Mas lalo kong pinagmasdan ang mukha niya. Ang laki pala ng eyebags nito ngayon 'di tulad kahapon na maaliwalas. Nakakunot din ang noo nito at makikita mo talaga sa buong mukha nito ang sobrang pagod. I wonder kung may girlfriend na ito o asawa? Pero base sa sinabi ni Reece kahapon, wala pa itong asawa. Kahit girlfriend wala rin ata. Napangiti ako ng makitang unti-unti nitong iminulat ang kanyang mga mata at nang magtama ang paningin namin ay napabalikwas ito ng upo, nanlalaking mga mata at gulat itong napatingin sa akin. Natawa ako sa mukha nito dahil sa magulong buhok at parang nakakita siya ng multo sa uri ng tingin niya. "Hello Kuya Rui!" I wave my hands and smiled sweetly at him. "Sorry kung nadisturbo ko ang tulog mo," napakamot ako sa noo ko dahil nahiya ako sa uri ng titig niya sa akin. "K-kanina ka pa?" Nauutal at medyo garalgal ang boses nitong tanong at bumuntong hininga muna siya bago ayusin ang sarili. Ang magulo nitong buhok at ang nagusot nitong coat mula sa pagkakasubsob sa desk niyang puno ng mga papeles. "Nah. Kakarating ko lang din naman," naupo ako sa visitors chair sa harap nito. "Nakalunch ka na ba?" "Hindi pa, kailangan ko pang tapusin 'to." Itinuro nito ang mga files na nakatambak sa gilid ng mesa niya. I frowned at him na ikinatakha niya. "Oh, ba't nakabusangot ka riyan?" nagtataka niyang tanong sa akin. "Kuya, ba't hindi ka kumain ng lunch mo?" Kunot noo niya akong tinitigan na parang may kung ano sa aking mukha at sa sinabi ko. "Magkaka-ulcer ka sa ginagawa mo." "Kuya?" takang tanong nito sa akin. "At kailan pa kita naging kapatid?" Napayuko ako sa uri ng tingin na ipinupukol nito sa akin. Napahiya ako roon dahil na rin sa tono na ginamit nito sa pagtatanong sa akin. "Sorry. Hindi na kita tatawaging kuya kung ayaw mo," mahina kong ani at tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng lamesa niya. "Sorry din sa isturbo. Aalis na lang ako." Pinilit kong hindi maging malungkot ang boses ko pero hindi ko magawa. I just thought that I can call him that dahil medyo matanda naman ito sa akin ng ilang taon. And I feel like he’s really my big brother na ipinagkait sa akin. "Iria, sandali. I didn't mean that. Nagulat lang kasi ako ng tawagin mo akong kuya. Nanibago ako dahil kahit mga kapatid ko ay hindi ako tinatawag na ganiyan." Napatigil naman ako sa paghakbang ng marinig ang sinabi nito. "You were the first one to call me that, Iria." Humarap ako sa kanya at pinilit na ngumiti, "Kung ayaw mong tawagin kitang gano'n, it's okay. I understand. At hindi naman nagkakalayo ang edad natin kaya hindi na kita tatawaging kuya." "No, okay lang. Para na rin kasi kitang kapatid kahit na kahapon lang tayo nagkakilala ng maayos," ngumiti ito kaya ngumiti na rin ako. Masaya akong nagbalik sa inuupuan ko kanina. Natawa naman ito ng mahina sa inasal ko. Inilagay ko ang magkabilang braso ko sa mesa niya at ipinatong ang baba ko rito habang nakatingin sa kanya na may masayang ngiti sa labi ko. "Ang saya mo na, ah. Kanina ang lungkot mo," natatawa nitong ani. I pout and glared at him.  Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko na ito. Umayos na ako ng upo at seryoso itong tinitigan, "Why didn't you eat lunch?" Tinaasan ko ito ng kilay at nakita ko ang pagngiwi nito sa tanong at tingin ko. "I told you, busy ako," inirapan ko ito dahil sa sagot niya. It doesn't mean na busy siya, e, kailangan na niyang mag skip ng lunch. It’s not good in his health. "I'll tell your secretary to order something for you to eat." Tatayo na sana ako para lumabas nang mapahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa gulat at kaba. Sabay kaming napatingin ni Rui sa taong malakas na ibinalibag ang pinto ng opisina ni Rui. Napa-awang ang labi ko ng makita ang madilim nitong mukha at anyo. Nakaramdam ako ng takot dahil sa galit nitong tingin sa akin ng magtama ang mga mata namin. What have I done? Bakit galit na galit ito kung makatingin sa akin? "Reece—" Tumayo ako at lalapit na sana sa kanya nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko dahil sa malakas na pagsigaw nito sa akin. "Why are you here?!" galit nitong sigaw sa akin at malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa kung nasaan ako. Humakbang ako paatras sa kanya dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at naramdaman ang isa isang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Pinahid ko ang luhang patuloy lang sa pagdaloy at sinalubong ang galit nitong mga mata sa akin. Nang makita nito ang mga luha ko ay agad na lumambot ang mukha niya at nawala na parang bula ang galit sa mga mata nito. Sinubukan ulit nitong lumapit sa akin at abutin ang kamay ko pero agad akong lumayo sa kanya sa takot na baka saktan niya ako sa galit niya. Alam kong nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa pamumutla sa takot. Dahil sino ba naman ang hindi matatakot makita ang taong sobrang galit na nakatingin sa'yo na hindi mo alam kung ano ang dahilan? "Honey…" malumanay nitong tawag at humakbang papalapit sa akin. Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan ni Rui kahit na muntik na akong mapasubsob sa sahig dahil sa panghihina, pagmamadali at takot. Nagtago ako sa likod nito kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa coat niya para hindi tuluyang matumba dahil sa panginginig. "Iria, honey. Come here, please," rinig kong malumanay at may pagmamakaawa sa boses na tawag niya ulit sa akin. Umiling ako sa likod ni Rui kahit na hindi nila makita ang pag-iling ko. "Iria, please…" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit ko sa coat ni Rui ng makarinig ako ng yabag papunta sa kinaroroonan ko. Mas lalo ko ring itinago ang sarili sa likod ni Rui na parang maitatago niya ako sa lalaking nasa harap niya. "Reece, man. Let her calm down. And you too," rinig kong kalmadong saad ni Rui at bumuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit. "You scared the s**t out of her. Nakita mo naman siguro ang takot sa mukha niya kanina nang sigawan mo siya, ‘di ba?" Narinig ko ang pagtigil ng yabag nito papunta sa kinaroroonan ko kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga para pakalmahin ang takot at kinakabahan kong puso. "Look, I'm sorry for shouting at you. I was just mad when I knew you came here instead in my office and without informing me," may pagsisi sa boses nitong ani. "I-it doesn't mean y-you're mad. Y-you can shout at me like that." Nauutal at nanginginig ang boses kong ani. "H-hindi 'yon makatarungan. Y-you can talk to me in a calm way and not shouting at me." "Kuya, please. Make him leave for a moment?" bulong ko kay Rui kaya nilingon niya ako at nginitian. Ngiti na naninigurado na gagawin niya ang gusto ko. "Reece, pwede mo raw ba siyang iwan muna rito? She needs to calm her nerves down and you also. Hindi magiging maganda kapag galit ka at takot siya sa'yo kapag nag-usap kayong dalawa." "I need to talk to her now, Apurada. She's my woman!" His woman. Yes, I am just his woman. Mapait akong napangiti dahil parang wala lang 'yong nangyari kagabi. Ang mga haplos at ang mga halik niyang mararahan at mapag-alaga. Nasaan na iyon? Ah, parausan niya lang pala ako. Gano’n siguro ang ginawa niya dahil siguro akala niya ay una ko iyon? Lihim akong tumawa ng mapakla dahil sa naisip. My first time? Actually, it’s my I-don’t-know-how-many-times it was. "Kahapon lang kayo nagkasama sa iisang bahay. Let her stay here for a moment. Ako na muna ang kakausap sa kanya." Kalmado pa rin ang boses na ani Rui at namamangha ako dahil paano niya iyon nagagawa sa tensiyon sa pagitan niya? "Fine. I will wait you at my penthouse." Iyon na lang ang huling narinig ko na sinabi ni Reece bago ko marinig ang papalayo nitong yabag at ang pagbukas-sara ng pinto ng opisina. C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD