Ganoon parin ang itinakbo ng buong araw ko rito sa mansyon. Kani-kanina lang ay dumating na rin si tito kaya't nagkasabay-sabay muli kaming apat sa pagkain nang tanghalian. Tungkol sa business ang pinag-usapan nila as usual, hindi ako makarelate kasi wala naman akong business lol. Nagtungo sa kanyang kwarto si Kiel at gusto nya daw matulog ng buong araw kasi kulang na kulang daw sya roon at kailangan nya ng energy. Samantalang si Tito naman ay nagpapahinga rin sa kanyang silid, marahil ay pagod galing sa meeting. At si Kelvin naman.. tahimik sya simula pa kanina no'ng ginagamot ko ang pasa nya. Parang ang lalim ng kanyang iniisip, hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon. Balak ko pa sana na magbukas ng conversation sa pagitan naming dalawa kaso umakyat na sya sa taas patungo sa kanyang o

