Hanggang sa matapos na ang lunch break ay hindi parin bumabalik si Kelvin sa opisina. Bagot na bagot na nga ako kakahintay dahil ni anino niya ay hindi parin nagpapakita. Wala naman akong magawa kundi magpabalik-balik na lamang kasi sira ang laptop na ginagamit ko sa paggawa ng designs. Nasaan na kaya iyong lalaking 'yun? Napatalon at nagulat nalang ako nang bigla ay tumunog ang telepono. Sapo-sapo ko ang dibdib dahil sa naramdamang kaba,"Jusko naman, akala ko kung ano na!" Dali-dali akong nagpunta roon at kinuha iyon. "Hello? Sino po ito?" Maingay na musika at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko sa background kaya medyo inilayo ko iyon sa aking tenga. Maya-maya lang ay may malalim na buntong hininga na ang narinig ko. "Finish the documents I haven't put my signatures yet. I'm not goi

