"Oh ayan tapos na. Pwede bang magbihis muna ako? Kakagising ko lang kasi..." Hawak-hawak ko parin ang tuwalya kahit tapos ko na siyang punasan sa buhok hanggang sa balikat at braso. Dumaan ang mata nya sa ulo ko hanggang paa pero ewan ko kung namamalik-mata lang ako noong nakita kong nagtagal ang tingin nya sa dibdib ko. Tumikhim sya nang makitang tinitingnan ko ang pagdaan ng mata nya sa aking katawan. Nakasuot pa naman ako ng manipis na sando tapos tinatanggal ko pa ang bra ko kapag gabi. Malalaki ang mata kong tinakpan ang dibdib. Tumaas ang kilay niya. Aba! Pasimple pa siya, ah! "Alright. Go on, change that f*****g thin cloth before I lose my control," Namula ako. Tumikhim sya."Don't make me wait, Leticia." "O-Okay, Kelvin..." Dali-dali na akong tumalikod upang hindi niya na mapans

