NANG dumilat si Isabella, automatic na hinahap niya agad si Claude sa kanyang tabi nang hindi niya na marinig ang t***k ng puso nito. Nitong mga nakaraang gabi, ang marinig ang tunog na iyon ang naging pinakamabisang pampakalma at pangpatulog niya dahil napakaraming mga bagay niya nang naririnig ngayon. Sometimes, she would wake up at the strangest of sounds. Malinaw niya nang naririnig ang lahat ngayon mula sa tunog na nagmumula sa dulong banyo sa gripo sa ground floor, sa tunog ng mga naglalaglagang dahon sa labas, at kahit pa ang kakaibang mga tunog na ginagawa ng mga bagong kasal na kapitbahay niya. Natigilan si Isabella nang pumasok sa isip niya ang nangyari noong mga nakaraang araw. Pabalikwas na bumangon siya nang hindi niya na makayanan ang mga naririnig. Nang sumulyap siya sa

