“COME ON. Stop pouting, Dad. Hindi bagay sa ‘yo. Besides, Claude is just my crush. You are still the number one man in my life.” Kinindatan si Martin ng anak na si Isabella. “You will always be the number one.” Nang maalala ni Martin ang minsang sinabing iyon ng kanyang unica hija noong makita nito sa unang pagkakataon si Claude ay sandali siyang naging emosyonal. Sino ba naman ang mag-aakala na ang first crush ni Isabella na mismong prinsipe pa ng mga bampira ang siyang makakatuluyan nito? Hindi ito ang unang beses na ikakasal ang kanyang anak. Pero sa kung anong dahilan ay mas sensitive siya ngayon. Maybe because this time, there was no longer any trace of uncertainty in his daughter’s eyes unlike the first time. Nag-uumapaw ang kaligayahan ni Isabella. Hindi niya alam kung dahil iy

