*I Choose* Part24 Alex* POV Hindi ko alam kung tama ba tong pagkakaintindi ko sa narinig kong sinigaw ni Tita Lyana. Umiiyak sya at humihiyaw. May naririnig din ako sa Kabilang linya. May nagpapakalma sa kanya. Ilang beses ko syang tinatawag pero umiiyak lang sya hanggang sa ibaba na nya ang cellphone nya. Wala na. Nag End Call ito. Tinignan ko ang Screen. Naiyak na lang ako at iniisip na pati si Tita Lyana. May tinatago sakin. "Alex? What's wrong." Sabi ni Liam. Papalapit ito saken at nag aalala ang reaksyon nito. "Liam. Si Tita Flora. Umiiyak sya e. Umiyak sya bigla nung sinabi ko yung kay Jane. Hindi ko tuloy alam kung tama ba yung pagkakarinig ko sa kanya. Sabi nya Anak nya? Yun yung narinig ko. Nag aalala ako Liam. Pati si Tita Flora may nililihim saken. Pero Hindi ko

