Pagdating nila sa sala marahan siya ibinaba ni Jensen sa sofa. Isinandal siya nito paupo doon habang sa paanan niya umupo si Jensen. Kinuha nito ang hita niya at ipinatong sa sarili nitong hita, habang hawak naman nito ang kamay niya. Wala na siyang pakialam kung nakikita na ni Jensen ang pãnty niya o ang singit niya sobrang sama ng pakiramdam niya. Kasabay nang pag kirot ng mga sugat ay ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang hita at kamay. Kahit paano nababawasan ang sakit dahil sa ipinakita ni Jensen na pag-aalala sa kanya. “Laveda, sana tinawag mo ako! Para ako na lang ang umabot sa pyrex bowl. Paano kung hindi ko nasalo ang ulo mo?! Mapapatay ako nito ni Liam. Alam mo naman ang kuya mo pagdating sa ‘yo protective.” wika nito na nag-aala ng sobra sa kanya. Sasagot na sana siya kay Jens

