Napalunok siya nang makailang beses sa sagot nito at nag-init ang magkabilang pisngi niya habang nakatitig sa mga mata ni Jensen. "J-ensen, kailangan na natin lumabas sa kubo dahil nagugutom na ako." nakanguso sabi nang dalaga. Wala siyang maisip na dahilan para mapaalis ito sa ibabaw niya. Hindi siya mamatay sa bigat kundi mamatay siya sa mga titig nito sa kanya. Habang nakatitig siya sa mga mata at labi ng dalaga hindi niya maiwasan na hindi mamangha para bang hindi nauubos ang natural na kulay ng labi nito, kahit pa nga makailang beses niya iyon inangkin kagabi. Sa tuwing titigan niya ang mga mata ni Laveda nakikita niya ang mga bituin sa langit na patuloy na nagniningning. "Laveda, bago tayo lumabas sa kubo. Mayroon lang akong gustong itanong sa 'yo." seryoso sabi ni Jensen sa

