“S-ir J-ensen, what are you doing here?” pagtataray na tanong niya na tiningnan ito ng masama. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jensen bago ito lumapit nang mas malapit kay Laveda. “I'm worried about you! Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang mga sugat mo?” mahinahon na tugon ni Jensen kay Laveda. Halos hindi siya makapaniwala sa ipinakita at sinabi ni Jensen. Bahagya niya kinagat ang ang ibabang bahagi ng labi para mapaniwala ang sarili na hindi siya nanaginip. “Awts, aray!” Napalakas ang pagkakagat niya labi dahilan para masambit iyon. “Saan ang masakit?” natataranta na tanong ni Jensen kay Laveda. Hindi malaman ng binata kung saang parte nang katawan hahawakan ang dalaga. Sasagot na sana siya kay Jensen ng biglang pumasok sa silid ang kanyang Kuya

