Bumilis ang tìbõk ng puso niya habang papalapit iyon sa kinaroroonan nila. Hindi siya pwedeng magpatalo sa kanyang nararamdaman dahil labis siyang nasaktan sa sinabi ni Jensen kanina kaya't naisip niya gumanti rito. Nang malapit na ito sa kanila bigla niyang niyakap at hinalikan si Gerald sa labi. "Gerald, thank you, sa Flowers. Alam mo talaga na favourite ko ang kulay rosas." nakangiti sabi ni Laveda habang nakatingin sa madilim na mukha ni Jensen. "Wow! May paghalik pa na pasasalamat. You're welcome! Hindi ako magsasawa na bigyan ka nang bulalak Laveda." nakangiting sagot ni Gerald sa dalaga. Makikita sa mukha ni Jensen na hindi nito nagustuhan ang ginawang pagyakap at paghalik ni Laveda kay Gerald. Ang paglapit ni Jensen na iyon ay halos kiligin ang mga babaeng estudyante sa univ

