Chapter 13 ***************** MACEY'S POV Morning people in the earth! Ang saya saya ngayong umaga~~~ kaya naman masigla kong ginawa ang morning rituals ko at bumaba na. "Agang nagising huh." sabi ni Nicole pero sa kalan parin sya nakaharap, nagluluto kasi sya ng breakfast namin. "Ganun talaga sabado ngayon eh." masiglang sabi ko. "Ang sigla mo naman ata." sabi nya habang nilalagay sa plato ang mga niluto nya. "Lagi naman akong masigla ha." sabi ko habang naglalagay ng mga plato sa lamesa. Sumasayaw sayaw pa ako habang inilalagay ang iba pang plato. "Ang saya mo ata Macey." sabi ni Blare na kadarating lang. "Palagi naman ah." "Samantalang nung nakaraan lang nakasimangot ka kasi nanakawan ka ng halik ni Aki hahahaha." awtomatikong nabura ang malapad na ngiti ko dahil sa sinabi

