CHAPTER 11 "Grabe ang gwapo niya!" "Totoo akala ko dati na siyang gwapo pero ngayon mas gumwapo siya!" Kumunot ang noo ni Cassandra ng marinig ang tilian ng mga babae sa sakahan. Nasa ibaba siya ng puno ng manga, nagbabasa ng isang aklat ng istorbohin siya ng mga tumitili na babae. May artista ba? At bakit tila nagsisipuntahan sila sa sakahan? Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at pinagpaga ang dumi sa kaniyang palda. Ilang araw na mula nang tangka niyang kunin ang cellphone kay Jake. Ilang araw na din niya na hindi nakikita si Domenico dahil hindi siya lumalabas ng bahay. Pinapadalhan naman siya nito ng mga sulat na idinadaan kay JJ. Ang una niyang sulat na natanggap ay isang tula kung saam ibinanggit nito ang kagandahan ng kaniyang panlabas at panloob. Kinilig siya sa mga matatamis

