Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Vexie sa pintuan ng kanyang kwarto. Napatingin siya sa wall clock at 6:30 na ng umaga. "Nakaalis na kaya 'yon?" bulong niya sa sarili na ang tinutukoy ay si Leon. Ayaw niyang makita ito ngayon dahil hindi pa niya alam ang isasagot niya sa alok nito. Tsaka isa pa, nanlalambot talaga siya kapag nagkakaharap sila at parang nawawala siya sa kanyang sarili. Baka kung ano pa ang masabi niya sa lalaki. Bahagya niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa maliit na siwang doon. Malinis ang hallway. "Gising na kaya si Alexus?" muli ay kausap niya sa sarili. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim tsaka na niya napagpasyahang lumabas. Bawat hakbang niya patungo sa silid ni Alexus ay nanginginig ang kanyang tuhod dahil sa kabang nadarama. Baka kasi biglang

