Dumating ang kaarawan ni Vexie, pagpasok niya ng silid ni Alexus, wala na roon ang alaga. Kaya bababa sana siya sa kusina nang matigilan. Paano ba naman ang bawat baitang ng hagdan ay may mga petals ng bulaklak. Anong meron? Sinundan niya ang petals at patungo iyon sa may pool area. Curious siyang sinundan pa rin kahit tila kinakabahan na siya. Nang makarating sa dulo ng mga binubod na petals, gusto niyang maiyak. May banner na hawak sina Annie na may HAPPY BIRTHDAY na nakalagay. Naroon si Alexus at may hawak na mga lobo at bulaklak. Tumakbo ito palapit sa kanya at iniabot iyon. "Happy Birthday, Yaya Vexie!" Nakangiti nitong bati sa kanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi. "Salamat Alexus..." "Happy Birthday Vexie!" Sabay na sabay na sabi ng mga kasama niya na pinasalamatan niya

