"Oh geez!" Dinig niyang sabi ni Zic, nang hindi mapaandar ang E-bike na sinasakyan nila. Ilang beses na nitong inulit iyon pero wala pa rin, malayo-layo pa naman sila sa mansion dahil patungo na sila sa batis. "Sir, ano ang problema bakit ayaw umandar?" usisa niya sa binata na bumaba na. Ang dalawang kasama nilang bata ay nakaupo at tila hindi man alintana ang pagtigil nila. "Ayaw umandar," sagot ni Zic na napapakamot sa ulo. Bumaba na rin si Vexie at nakisipat. Pagkaraan ay luminga-linga sa paligid kung may mahahagilap siyang mahihingan ng tulong. Pero wala ng tao sa napadparan nila. "Hindi naman tayo pwedeng maglakad pabalik, dahil baka mapagod ang dalawang bata, "maya-maya pa ay sabi ni Zic na sa kanya na nakatingin. "Wait!" Bigla ay muling sabi nito na tila may naisip. "Did you br

