CHAPTER 4

1126 Words
Kanina pa sinisipat-sipat ni Vexie ang lalaking natatanaw niya sa may bar counter. Kahit may kalayuan at dim lang ang ilaw, halatang gwapo ang lalaking natatanaw. "Inumin mo na 'yan, beshy." Napatingin siya kay Genny na iniaabot sa kanya ang isang shot pa ng tequila. Nakakatatlo na ata siya kaya medyo lasing na siya, hindi naman siya sanay uminom eh. Kinuha niya ang baso at nilagok ang laman nun, binalingan niya si Genny na hinaharot ang isang lalaking nakilala nito sa bar na 'yon. Napangiwi siya at muli na lang pinagmasdan ang lalaking panay ang lagok sa alak na hawak. Mag-isa ito at tila walang pakialam sa paligid, hindi alam ni Vexie kung ano ang nararamdaman niyang pagnanais na lapitan ang lalaki at kausapin. Pero ganoon pa man, nagdadalawang isip pa rin siya dahil hindi naman siya sanay na mag-approach sa ibang tao, lalo na at lalaki pa. Nanatili lamang siya sa ganoon, nagmamasid sa lalaking side view lamang ang nakikita niya. Medyo nanlalabo na rin ang mata niya at nahihilo na siya, naparami ata ang alak na nainom niya. Baka mamaya niyan ay bumulagta na lamang siya. "Vexie, hintayin mo lang kami ni diyan, dito ha? May kukunin lang kami. Huwag ka nang iinom at huwag kang aalis dito, babalikan kita after 15mins." Wala sa loob na napatango na lamang siya sa kaibigan, ni hindi niya man tinapunan ng tingin o nilingon man si Genny, dahil ang mga mata at isip niya ay okupado ng lalaking nakaitim na jacket at nag iisa sa may bar counter. Maya-maya pa, napansin niyang may isang babaeng lumapit dito. Tila hinaharot ang lalaki dahil may pahimas-himas pa ito sa balikat ng estranghero. Hindi man tumitinag ang lalaki at tila balewala lang ang babaeng lumapit dito. Ilang saglit pa, pansin niyang inis na umalis ang babae. Nainis siguro dahil hindi pinansin ng lalaki, sa kaloob-looban niya ay gusto niyang humalakhak. Kawawa naman kasi ang babae, harapang na-reject. Hindi nagtagal, tumayo siya at naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki, hindi naman sa eksaktong pwesto nito, kundi may isang dipa ang layo nila. Sinadya niyang bahagyang lumapit sa estranghero para mapansin nito, well, hindi niya alam bakit sobrang interested siyang makita ang kabuuan nito. "One tequila please," malambing niyang sabi sa bartender na agad namang tumalima at inabutan siya ng kanyang hinihingi. Hindi pwedeng hindi siya mapansin ng lalaki sa suot niya. Naka mini skirt siya at itim na sando na hangang taas ng pusod lamang niya ang natakpan, halata sa suot niya ang makurba at matambok niyang pwet na best asset daw niya. Nakalugay din ang itim at diretso niyang buhok. Sa peripheral vision ni Vexie, tila nababato-balani siya sa kakisigan ng lalaki. Lihim niya itong pinagmamasdan, habang paunti-unti lamang ang pag-inom niya sa kanyang alak. Nang hindi makuntento sa palihim niyang pagtitig, hinarap niya ang lalaki na sakto naman na nahuli niyang nakatingin sa kanya. Nagtama ang mga mata nila, at halos maigit ni Vexie ang paghinga nang masilayan ang mga mata ng lalaki. He has the most tantalizing and most desirable eyes! s**t, habang pinagmamasdan niya ang mga asul na mga mata ng lalaki na halatang may dugong banyaga, hindi niya mapigilang hindi humanga. Pero may nababanaag siyang lungkot sa mga 'yun na hindi niya mawari. "H-hi," mautal-utal niyang sabi. Hindi muna sumagot ang estranghero at mataman lamang siyang pinagmamasdan, waring pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. "I'm Vexie..." gustong hampasin ng dalaga ang sarili, tila kasi itinatapon na niya ang sarili sa lalaking kaharap. "I'm Leon," marahang sabi ng baritonong tinig ng lalaki na may german accent na mas nagpadagdag sa karisma nito. Lord! Kung magkasala man siya sa gabing ito, patawad. Pero sobra siyang nahihibang sa mukha ng estranghero. "Leon." Napalunok siya. "That's a nice name," aniya at binasa ang mga labi. Pakiramdam kasi niya nanunuyo rin iyon gaya ng lalamunan niya. "Same as yours," walang emosyong sabi nito. Pero hindi nito tinatangal ang pagkakatitig sa kanya. Sarap na sarap tuloy siyang dukutin sana ang mga mata nito at itago sa mansion nila. "Wala kang kasama? Er- I mean, you're not with someone? A friends?" aniya dahil sa kawalan ng masabi. Nakita niya nang lumagok ng alak ang lalaki at marahang humiling. "I'm alone. How about you?" Nag-isip siya kung ano ang isasagot. "Amm. My friend is with someone. So, I'm alone too." Ngumiti ng makahulugan ang lalaki at pagkaraan ay tumayo. Halos malula siya nang napagtanto niya na ang tangkad pala talaga nito at tila unano siya sa taas niyang 5'7. "Then, samahan mo na lang ako," anang lalaki na diretso namang magtagalog. Teka, half filipino-half german ba ito? "Samahan? Saan naman tayo pupunta?" medyo kinakabahang tanong niya sa lalaki. Nagkibit balikat ang lalaki. "I thought, alam mo na ang kalakaran dito sa bar, once you approached someone." Nangunot ang noo niya, medyo nahihilo na siya at napahawak na siya counter. Ano bang kalakaran ang tinutukoy nito? "H-hindi ko maintindihan eh," aniya sa lalaki. Napailing ang lalaki at may amusement sa mga mata na nakatingin sa kanya. He grabbed her hand na ikinabigla niya. "Come with me." Dahil sa hilo at tama ng alak, hindi siya nagpumiglas nang hilain siya ng lalaki patungo kung saan. Well, ano man ang mangyari tonight ay kagustuhan niya, sabi nga ng kaibigan niyang si Genny, kaarawan naman niya ngayon kaya gawin niya ang gusto niyang gawin. *** "H-hotel? Bakit tayo nandito?" aniya na tumindi ang kaba. Kahit may tama siya ng alak, alam pa naman niya ang nangyayari sa kanya. Hindi sumagot ang lalaki, ini-locked ang pintuan at marahang hinubad ang suot na jacket at itinapon na lamang sa sahig. "Lights off or lights on?" He huskily asked her. Mas lalo yatang lumaki ang mata niya sa tinanong nito. Unti-unting tinatanggal ng estranghero ang belt pati pantalon nito. Napaupo siya sa dulo ng kama at pinagmamasdan lamang ang lalaki na tila stripper sa harapan niya. At nang boxer shorts na lamang ang suot ng lalaki ay naglakad ito patungo sa switch ng ilaw at ini-off iyon. Kumalat ang dilim sa silid na mas lalong nagpakabog sa dibdib ng dalaga. "Shall I undress you?" Tinig ng estranghero na ngayon ay nasa harapan na niya. Alam niya dahil sobrang lapit na ng tinig nito. "Huh?" Wala siyang maisagot na iba dahil sa bilis ng pangyayari. Bigla niyang naalala ang Ama at ang tampo niya rito, well, kapag nalaman ito ng Ama niya, magagalit ito ng sobra sa kanya. Galitin na lang kaya niya ito ng todo? Tutal ibang tao naman na rin ang tingin nito sa kanya. Naramdaman niya nang hawakang ng lalaki ang strap ng suot niyang sando. This is it! Napapikit na lamang siya, kung mabuntis man siya o ano atleast maganda ang lahi ng lalaking ito. Hindi na rin masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD