Kinagabihan, agad natulog si Alexus kaya naman agad nakaligo si Vexie, abala siyang nagpupunas ng kanyang buhok nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad siyang naglakad patungo roon at pinagbuksan ang kung sino man 'yun. It was Anie, she's smiling ear to ear. "Ikaw pala, bakit?" aniya na nagpaskil din ng ngiti sa labi. "Gusto kang makilala ni Sir, nandiyan na siya. Maaga nga siyang nakauwi ngayon eh," anito sa kanya. Hindi niya mawari ang biglang kaba na lumukob sa kanyang puso. "Tara na. Nandoon siya sa library kausap si Sir Zic." "Saglit, isasampay ko lang ang towel ko." Pagkasabi nun ay isinampay niya lamang sa may malapit sa pinto ang hawak na puting towel. Pagkaraan ay muling bumalik kay Anie. Hindi na siya naka-uniporme dahil balak na niyang matulog, ganoon din si Anie. Patin

