Bihis na bihis na si Vexie, dahil sunday ngayon ay magsisimba daw sila ni Alexus kasama si Anie at isang driver. Kasalukuyan niyang hinahanap si Alexus upang isakay na ito sa kotse na kanina pa naghihintay sa malawak na garahe ng mga La Gresa. "Nasaan na kaya ang batang 'yun?" kausap niya sa sarili. Napadaan siya sa malawak na living room at tahimik doon, tila wala talagang batang nakatira doon dahil sa sobrang katahimikan. Lumabas siya ng maindoor at nakita niya sa may fountain si Alexus. May hawak itong water gun at nilalaro nito iyon. Bihis na rin ito dahil kanina pa niya ginawa 'yun, "Alexus. Aalis na tayo," aniya sa paslit na tumingin naman sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang itutok nito ang hawak na water gun sa kanya. "No, Alexus. Hindi oras ng paglalaro," an

