"Nasan na si Eliz, Cy? Malapit na mag 6:30, baka ma-traffic tayo nyan mamaya." ani Cela habang pabalik-balik ang tingin sa kaniyang phone at sa dumadaang mga sasakyan sa high way.
"Ang sabi niya malapit na 'raw siya, wait nalang na'tin saglit- oh wait, ayun na pala siya eh. Eliz!" pagtawag pansin ko sa naging kaibigan ko mula noong grade 10 kami, si Eliz Hicarte.
Agad itong naglakad patungo sa direksiyon naming tatlo at agad yumakap sa akin. "Sorry natagalan, traffic kasi tsaka matanda na yung nasakyan ko na tricycle driver kaya mabagal magpatakbo." paumahin nito na agad ko namang ikinailing at ngumiti dito.
"Don't worry ayos lang naman, at isa pa welcome week lang naman ngayon eh. Pwedenaman sigurong ma-late."
"C'mon guys, andyan na 'yung pampasahero g jeep, sumakay na tayo." aya ni Angie na kanina lang ay ka-call yung bf niya at ngayon lang nakisingit sa usapan.
Almost 1 hour din ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa school. Isama pa na sobrang traffic sa San Isidro kanina dahil sa tapat lang ng highway mismo nakabase ang isang college university, may iilan ding kalapit na school sa lugar na iyon.
As expected, pagkapasok palang namin sa school gate ay marami nang nagkalat na mga estudyante sa paligid. Mostly, mga freshman students na katulad namin. Welcome week kasi ngayon for freshman and transferee students kaya expected na talagang maraming tao ngayon. Wala naman klase ngayon pero kelangan pa rin daw pumasok para malaman ang rules and regulations ng school at para na rin ipakilala ang mga org na pwedeng salihan.
"Nakakangawit umupo," daing ni Angi na nasa kanan ko na sinang-ayunan ko naman.
Almost two hours na rin kasi kaming nakaupo at nanonood lang ng programa. May ilang palaro pa ang judges at nagku-kwento pa ng kung ano-anong anik. Maging ako na minsan lang makaramdam ng boredom ay tinamaan ngayon. Kanina pa din ako hikab ng hikab dahil five early in the morning ako nagising para maagang gumayak dahil ang call time namin ay bago mag 6:30AM ay dapat nasa Sur na dahil b-biyahe pa kami.
"Cy, i-chat mo si Eliz kung sa'tin din siya sasabay umuwi mamaya." ani Cela na agad kong tinanungan.
Hindi kasi namin kasama sa pwesto namin si Eliz dahil siya lang bukod tanging naiiba ng section sa aming apat. Ako, si Cela at si Angi ay nasa iisang section lang habang si Eliz ay napunta sa ibang section. Hindi ko nga alam kung bakit napunta siya sa ibang section, eh magkakasabay lang naman kaming apat na nag enroll noong enrollment day.
"Kyaaaah!" nawala ang antok ko nang bigla nalang nagwala ang crowd nung nagsimulang tumugtog ang pamilyar na musika. Maging ang dalawa na busy kanina sa phones nila ay napatingin din sa stage kung saan ay may iilang grupo ng kalalakihan at kababaihan na kapwa estudyante rin ang sumasayaw sa stage.
Nasa mahigit sampu ang mga lalaking nagsasayaw ngunit sa isang lalaking matangkad, mapusyaw ang balat, clean cut ang buhok, at nakasuot ng sky blue shirt ang syang tanging nakakuha ng atensyon ko. Ang lakad noyang makakuha ng atensyon at ang gwapo pa niya.
Sumasabay ang mabilis na paggalaw ng kaniyang katawan sa musika. Ngunit, para sa akin ay tila naging slow motion ang lahat at tila nag zoom in ang aking paningin at siya na lamang ang nakikita ng aking mga mata.
Is this what they called.. love at first sight?
Because I think, this is what it is, that I fell love at first sight.
A/N: Hi! Maulang gabi. Advance sorry for the typos and grammatical error that you will encounter as you read this. Thank you, Happy reading!