Chapter 25

2669 Words
Nag-uunahan sa pagtulo ang aking luha kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, ngunit kahit gaano ito kalamig ay hindi ko na inabala pa ang sarili kong yakapin para makaramdam ng kahit anong init dahil sapat na ang galit na nararamdaman ko. "A-ano'ng ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong sa kanya. "Everythings planned from the start..." He began to speak of the truth I had been dying to know. "Riley and Sabeena... They are bound to marry each other even before you had a relationship with Riley." Napakunot naman ang aking noo . "Paano? Arranged marriage?" Tumango naman siya. "Bata palang silang dalawa ay pinagkasundo na silang dalawa. Sabeena is Riley's childhood sweetheart when they both living in Norte. I was one of his friends back then," pagpapatuloy niya. "And so, both families agreed to have that marriage of convenience. Ipapakasal silang dalawa kapag nasa tamang edad na. Pero nagkagulo nang kailangang pumunta ni Sabeena sa England kasama ang Mama niya kung saan nandoon si Tito, ang Papa niya. At magtapos ng elementarya, si Riley naman ay rito sa Cagayan Valley nagtungo. That's the time when he met you." "I don't want to know about their love story, Lois," sabi ko. "Ang gusto kong malaman ay ang sinasabi mong hindi naman ako niloko ni Riley." "If you want to understand everything then, I need to tell you this, Nathen," he explained. Ang malaman ang totoong dahilan ng paghihiwalay namin ni Riley ay ang tanging bagay na importante para sa akin ngayon. Gusto kong maliwanagan at maintindihan ang lahat. Pero sa tingin ko'y kailangan ko munang pakinggan ang kwento ni Lois. "At ayon nga... Nagulo ang plano nang magkagusto sa iyo si Riley at lalo na nang nagkaroon kayo ng relasyon. He completely forgot about Sabeena because of you. Pero kahit na ganoon ay hindi naging malupit si Tita Norma dahil... dahil kailangan ka niya. Dahil alam niyang magagamit ka niya upang mapaalis si Riley sa bansa at pumunta ng England kung nasaan ang pinsan ko," pagpapatuloy niya sa kanyang kwento. Hindi ko alam kung pang-ilang salamin na ng tiwala ang nabasag sa akin magmula nang mabuwag kami ni Riley. I don't think I'll be able to trust again after this. Parang wala nang nagpapahalaga sa tiwala na binibigay at binubuo ko para sa kanila. They're all choosing to break my trust just to gain something else. Is the value of my trust that low? Na wala man lang silang pakiaalam kahit na mabasag ang aking tiwala sa kanila? I can't believe that the person I've treated as my mother just used me and broke my trust. All of the goodness that she showed was just fabricated. "Riley remained faithful and loyal," he said. "But he believe that you cheated because of the photos he saw." My forehead creased. I recalled all of the pictures I took with anyone during the time that he was in England. Ang naalala ko lang ay ang picture ko kasama si Danzel noong naligo kami sa Rio Grande at sa pagkakaalam ko ay unupload iyon ni Keanna sa kanyang Facëbook account. Pero imposible namang isipin ni Riley na nanloko ako dahil sa simpleng litrato kasama ang mga kaibigan ko. He knew they're my friends to begin with. "What photos?" I curiously asked. Huminga naman siya ng malalim bago nagsimula. "First was a photo of you and your cousin inside of the Balsa restaurant here in The Seacoast," panimula niya. Iyon 'yong kakauwi lamang ni Kuya Nixon ng biglaan galing Norte upang magbakasyon dito sa Cagayan Valley. Inaya niya akong kumain kami napadpad sa Balsa. "I can still remember what he said before. Ang sabi mo pa raw ay marami ka pang gagawin kaya binaba mo ang tawag niyo, pagkatapos ay makikita niya ang litrato mo na may kasamang lalaki sa Balsa," sabi ni Lois. "But of course, Riley didn't judge you or declare that you're cheating because of that picture. He wanted to talk to you about it, but he didn't have a chance. The next picture he saw was you're with your friends and that cousin of yours. Naligo ata kayo noon. I don't know where. Inupload 'yon na kaibigan mo sa Facëbook na dahilan kung bakit niya nakita. Nagalit siya at nainis pero nagtiwala pa rin siya sa iyo." Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Parang konektado lahat ng mga nangyari ay ayon sa mga dapat mangyari. "And then the last photo was a picture of you and your cousin, sleeping on your bed. That's what triggered Riley to think that you were really cheating on him. And who's by his side? It was Sabeena," he said. My jaw dropped in the last photo. How did a photo of me and my cousin sleeping on my bed end up in his hands? "Paano nakita ni Riley ang una at lalo na ang panghuling litrato?" tanong ko kay Lois. Bigo namang umiling si Lois "I don't know, Nathen..." sagot niya. "Tita Norma is the only one who knows where those pictures came from. But there's only one thing I can assure you. Iyong video... they didn't really kiss. It just seemed like they did because it's dark and the lights were blurry, but they didn't. Kaya ganoon na lang ang takot na nararamdaman ni Sabeena na baka makuha mo sa kanya si Riley. Because she also knows the truth. Riley is the only one cluesless and also, you." Mabilis kong tinalikuran si Lois matapos ang kanyang kwento at agad na naglakad paalis, ngunit agad niya naman akong sinundan habang tinatawag ang aking pangalan. No one can stop me right now. I need to talk to Tita Norma. My mind will never be at ease until all the unanswered questions are finally answered. "Nathen, saan ka ba pupunta?" tanong sa akin ni Lois at nahablot ang aking braso ngunit mabilis ko itong binawi. Binilisan ko pa ang aking paglalakad. "Nathen!" he frustratedly called me. Mabilis ko naman siyang hinarap. "Kailangan kong makausap si Tita Norma at hindi mo ko mapipigilan." Muli akong tumalikod sa kanya upang magpatuloy sa paglalakad. Napasinghap ako nang makita ko si Tita Norma na tumatawa palabas ng hotel kasama sina Riley at Sabeena. Tumakbo na ako upang maabutan ko sila bago pa makasakay sa sasakyan na nag-aantay para sa kanilang pag-alis. "Ma'am Palermo," I addressed her in a formal way as I called her. Shock was very evident on her face when she turned to look at me. Even Sabeena and Riley averted their gaze. A faint fear in Sabeena's eyes wasn't able to escape my sight. I took a few steps closer for them to see me clearly. Tita Norma's really a good actress that she even had the guts to smile at me. She must be wearing a hundred masks just to hide herself from all the things that she has done to me. Sobrang galing niyang magtago at umarte. I didn't even have a clue that she was the ine behind everything. I had been blaming other people, the pain that I was feeling when she was the one at fault. "Oh, Nathen! I can see that you're with Lois," Tita Norma said as she glanced at Lois who's just beside me. "Is there any problem?" Muli akong humakbang palapit at taas-noong tumingin sa kanya. Kita ko namang bahagyang nasindak si Tita Norma sa aking lakas ng loob na ipinapakita ngunit hindi niya hinayaang mawala ang kanyang ngiti. I feel like giving her a trophy for being a good actress. I bet she can even top all the award-winning actress on showbiz. Sa sobrang galing niya ay ginaganahan akong makipagtapan sa kanya. "Napakalaki ng problema ko, Tita Norma," napakariin ng aking pagkakasabi sa kanya. Hilaw namang ngumiti sa akin. "What is it, Nathen? Baka makatulong ako." Ngumisi naman ako. "Of course, Tita. Talagang kayo lang ang makakatulong sa problema ko dahil tanging ikaw lang ang makakasagot sa mga katanungan ko." Kita ko namang binalingan ni Tita Norma si Lois ng tingin bago muling ibinalik sa akin ang kanyang buong atensyon. "A-Ano ba ang tanong mo, Nathen?" nauutal niya nang tanong sa akin. "First of all, Tita, I want to congratulate you for a job well done. Nagtagumpay kayo sa plano niyo," sarkastiko kong sabi. "Pero nakapagtataka, Tita. Saan mo ba nakuha ang mga litratong 'yon? Paano napunta sa inyo?" Tita Norma horrifyingly looked at me before turning to Lois. "Lois..." she called Lois' attention. "I already told her, Tita... I'm sorry," Lois apologized. "What's happening, Mom?" naguguluhan ng tanong ni Riley. We've been played, Riley. We've been played and we both lost the game. I thought my love was stronger that what you've given me, but I'm wrong. We both had a fragile love. Our swallow love was the main reason why our relationship fell; why didn't everything work out. Akala ko ako lang 'yong kumapit pero kumapit ka rin pala. Ang nakakalungkot lang at nakakapanghinayang ay parehas at sabay rin tayong bumitaw kaya tayo nagkahiwalay. "Sabeena, mauna na kayo sa bahay ni Riley. I will just talk to Nathen for a while," nakuha pang ngumiti ni Tita Norma nang kausapin si Sabeena. Agad naman tumango si Sabeena at nagmamadaling hinagilap ang kamay ni Riley upang hilain paalis ngunit hindi nagpatinag si Riley sa paghila niya. "Bakit niyo naman pinapaalis si Riley, Tita?" nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Ayaw niyo bang malaman niya kung gaano naging matagumpay ang kanyang ina sa paninira sa aming dalawa ng anak niya?" Napaawang ang bibig ni Tita Norma. "Ano'ng sinasabi ni Nathen, Ma?" punong-puno ng kuryosidad ang boses ni Riley. "Riley, please let's go home. I'm tired!" Sabeena whined and kept on pulling Riley to go with her. "Sab, tumigil ka muna, please! We will go home later!" giit ni Riley kay Sabeena bago muli kaming hinarap. "Tell me... What's really happening?" "Tell him, Mrs. Palermo. Tell your son about what you did to us. Tell him what Lois told me! Kung paano mo kami pinaglaruan," hamon ko sa kanya. "Tinuring ko kayong parang ina pero niloko at ginamit niyo lang ako para mapalipad ang anak niyo noon at iwan ako. I thought it's for his future. Pero ang totoo pa lang dahilan ay dahil napagkasunduan niyo nang ipakasal siya kay Sabeena noon pa lang?" "You're a liar!" Sabeena shouted at me. Nilingon ko naman siya at saka tipid na ngumiti. "Sana nga nagsisinungaling na lang ako, eh..." sabi ko. "Sana hindi na lang totoo na ginamit at niloko lang ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko para saktan ako. Mas kaya ko pang tanggapin at paniwalaan na niloko na lang ako ni Riley kaysa 'yong malaman ko 'to. Pero hindi... At sobrang sakit." "What are you talking about, Nathen?" Riley directed his question to me. "I didn't cheat on you. You were the one who cheated on me. Those pictures I've seen... you're even lying on the same bed with him. And when I went hime during your parent's funeral, I also saw you with that guy. I... I don't understand." "That guy... you mean my cousin?" I raised my eyebrows at him. " We were fooled, Riley. And we are really foolish to believe those fabricated stories behind those meaningless pictures." "Your cousin?" His voice cracked. Nilingon ko naman si Tita Norma. "Nakita niyo po kami noon ni Kuya Nixon sa Balsa, 'diba? Pinakilala ko pa po siya sa inyo. At bago po kayo umalis, may pinadala pa po akong sulat sa inyo para kay Riley. Nakarating po ba 'yon sa kanya?" "Anong sulat?" muling pagsingit ni Riley na parang katulad kong madami ring katanungan. My heart was like a paper that teared into pieces. All my efforts have gone into waste. Punong-puno ng pagkamuhi ang aking puso sa sobrang galit at panghihinayang. "Ma, anong sulat?!" tumaas na ang kanyang boses na nakadirekta sa kanyang ina. "Okay! Okay!" Tita Norma exclaimed and even raised her hand like she's already surrendering. "Ako ang may pakana ng lahat. Ako ang gumawa ng paraan para maghiwalay kayong dalawa. I didn't give Riley your letters. Ni hindi nga 'yon nakarating ng Norte dahil tinapon ko lamang 'yon sa daan. You think I will just let my son be in a relationship or be tied with someone like you? I know my son deserves more." Tuluyang nang rumagasa ang luha mula sa aking mga mata patungo sa aking pisngi. "Mommy, what the hell are you talking about?!" Riley furiously spat a question to his Mom. Hindi naman pinansin ni Tita Norma ang kanyang anak at nanatiling diretso ang tingin sa akin. "But look, Nathen... I'm not the only one behind everything," she told me and raised her eyebrow like she still has the upperhand. "You should've just kept your questions to yourself. Sana nakuntento ka na lang sa mga sinabi sa'yo ni Lois at hindi ka na tumuloy pa sa akin para magtanong." Nag-uumapaw na ang galit sa aking puso ngunit hindi ko maiwasang makaramdam pa rin ng kaba para sa mga rebelasyong isisiwalat pa lamang ni Tita Norma. "Naisip mo ba kung paano ko nakuha ang mga litrato?" nanghahamon niyang tanong sa akin. "Iyong picture niyo ng pinsan mo sa Balsa noon, sige at aaminin kong ako ang kumuha noon. Nagpapasalamat naman ako sa mga kaibigan mo na sumakto ang kanilang pag-uupload ng pictures niyo. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi sila kasama sa mga plano ko. But the third picture of you and your cousin sleeping on your bed... you wanna know who took the picture?" Kahit halos hindi na mapakali ang puso ko sa sobrang kaba ay pinilit ko pa rin ang sarili kong maging matapang para harapin ang kasagutang hinihingi ko. "It's your parents, Nathen," she stated. Ang mundong binuo ko mula pa noong bata ako kasama ng mga magulang ko ay tuluyang gumuho nang mabali ang pundasyon na dahilan kung bakit ito nananatiling buo. I was about to break down when Lois immediately caught me to hand me a support in order for me not to fall. Tears keep on streaming down my face. I can't breathe properly as I tried to take in the truth that she slapped me. "You're lying..." I accused her. "Nagsisinungaling lang kayo!" "Oh, I'm not, Nathen," umiling siya at saka ngumisi. "Ipinagpalit ka ng mga magulang mo sa sampung milyong inutang nila sa akin. Pero hindi na nga siya dapat utang dahil nabayaran na nila iyon sa pamamagitan ng paninira at pananakit sa sarili nilang anak. They care more about the money than they care about you." Umiling naman ako at niyakap naman ako ng mahigpit ni Lois upang mapigilan ako sa paglapit kay Tita Norma. "Hindi totoo 'yan..." patuloy ako sa pag-iling. "Hindi magagawa 'yan sa'kin nila Mommy... Mahal nila ako... Mahal nila ako, eh." Hindi ko matanggap na para akong bagay na binenta ng aking mga magulang sa perang wala namang hanggana at nauubos. "Riley!" rinig kong sigaw ni Sabeena. Bago pa ako makalingon kay Riley ay naramdaman ko na ang mahigpit na pagyakap nito sa akin na dahilan kung bakit napabitaw sa Lois sa'kin. "I'm sorry..." he whispered in my ear. "I'm really sorry, Nat. I'm sorry..." he repeatedly apologized before I felt him giving me a warm and soft kiss on my forehead. Tahimik akong dumistansya ng bago umiling at mas pinalaki ang espasyo na lumayo sa kanya. I don't think I can still stand being with these kind of people. Kahit may nararamdaman pa ako kay Riley at kahit alam ko na ang katotohanan ay hinding-hindi ko na rin matatagalan na makita pa siya, kung isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nagawang talikuran ng sarili kong magulang. I'd rather be alone. I'd rather be in a separate ways with him and his family where I will be filled and surrounded with new people, and hopefully it's a new world to start living again. 'Cause the Nathen Abrial Torrano of San Ildefonso, Cagayan Valley will never go back to the way she was again. NEVER AGAIN!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD