PAGOD na pagod si hailey na sumalampak sa swivel chair niya. maraming meetings kasi ang ginawa nila. sa dalawang taon niya na nagtatrabaho dito kay jace dapat masanay na siya na sobrang busy talaga nila pero hindi parin nasasanay ang katawan niya. lalo na ngayong araw busy kasi sila dahil may events sila. tumunog ang intercom at narinig niya ang boses ni jace, tumayo siya agad ng pinapapasok siya nito sa loob ng office. "bakit?" bungad niya dito, sa tutuusin napaka swerte niya dahil ang asta niya dito ay hindi parang boss. ewan niya ba kahit dragon itong crush niya , komportable siya dito. "sit" utos nito sakaniya, mabilis naman niya iyon sinunod. aba'y syempre gusto niyang umupo dahil sumasakit na ang paa niya sa takong na suot niya. "wala ka ng meetings, malapit na din ako mag out,

