"hmmmmmm!" pumipiglas at pilit tinatanggal ni hailey ang nakatali sa kamay niya. may nakatakip pa sa bibig niya kaya hindi siya makasigaw ng maayos. kanina lang papunta silang airport ni nicolas ng may humarang sakanila, hindi sila nakapalag dahil may mga armas ang mga lalaki na hindi niya kilala. natigil siya sa paglikot ng marinig ang pagbukas ng kalawang na pinto.. inamoy niya ang paligid amoy kalawang, parang pakiramdam niya maraming metal na nakapalibot sakanila. hindi niya nakikita dahil may takip din ang mata niya. "tanggalan niyo yang ng takip sa mata at sa bibig" hindi siya maaring mag kamali si celine iyon. buti nalang pinauna niya ang mama niya at ang kapatid niya.. dahil kung hindi baka madamay din ang mga ito sa problema niya. napapikit siya sa sakit ng marahas na tinangg

