Nathaniel Pagkatapos namin mag-usap ni Charlotte ay sumakay na ako sa sasakyan ko. Birthday ni Vincent ngayon at sa Bar ni Darwin gagawin ang celebration. Plano ko sana isama si Charlotte para ipakilala sa mga kaibigan ko pero kagabi ay sinabi niya na may dinner date siya kasama ang dalawang bestfriend niya. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng bigyan ako ni Charlotte ng pagkakataon na makilala namin ang isa't isa. Iyon din ang araw na hindi ko makakalimutan. Ngayon lang nangyari sa akin ito ang hindi makapag-kontrol ng sarili. Sa tuwing malapit sa akin si Charlotte ay may hindi ako maipaliwanag na urge na halikan at yakapin siya. Kakaibang init ang dumadaloy sa buong katawan ko kapag kasama ko siya. Hindi lang ang chemistry namin pero pati na rin ang personality niya ang dahilan kay

