Charlotte "Congratulations Lot," bungad ni Ms. Jasmine pagpasok ko sa office niya. Kagagaling ko lang sa labas kung saan ay nag-lunch ako kasama ang ilan sa mga team ko. Bonding, kwentuhan, kulitan at nag-abot na rin ng mga bagong policy. Habang tumatagal ay naging close ko na ang mga ito. "You just got a deal with Ms. Cuevas. The head office is so impress with the feedback they gave you," nakangiti na paliwanag niya at tumango-tango ako. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at kahit hanggang sa makauwi na ako sa bahay ay hindi pa rin ako makapaniwala. Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko dahil sa pagsulpot niya. Apektado ako hindi dahil mahal ko pa siya pero nararamdaman ko na may ibig sabihin ang lahat ng ito. Habang iniisip ko siya ang tanging nararamdaman ko ay galit at

