Nathaniel "Why are you not answering my calls? Are you really avoiding me, Nathan?" galit na tanong ni Mama pagbukas ko ng pinto. Huminga muna ako nang malalim saka naglalakad palayo sa pinto. Si Miguel ang inaasahan ko na darating at hindi si Mama. Isang buwan na kaming hindi nagkakausap dahil ayaw ko silang kausapin. Kung tutuusin hindi na iyon bago dahil hindi naman talaga kami madalas mag-usap. After the night na ipapakilala ko si Charlotte sa kanila ay minabuti ko na iwasan na muna sila. Hindi ko kasi nagustuhan ang ginawa nila kay Charlotte at hindi ko iyon makakalimutan. Wala man sila masyadong sinabi that night pero pinaramdam naman nila kay Charlotte kung ano ang nararamdaman nila. Their action is enough to tell me that they don't like Charlotte. Buong akala ko pa naman ay okay

