Hinihintay ko si Zaki dito sa living room para gamutin ang sugat niya,maliligo lang daw muna siya.Habang nasa hapag kainan kami kanina sinabi niya sa akin kung bakit madami siyang kalaban at nalaman ko isa pala siyang Mafia,hindi daw ako dapat matakot sa kanya kasi wala naman daw siyang ginagawang masama,meron lang mga taong gusto daw siyang pabagsakin kaya kailangan niyang lumaban,nakaramdam naman ako ng antok habang nakaupo kaya ipinikit ko ang mga mata ko pero di ko namalayan na nakatulog na pala ako,nagising ako sa loob ng isang kwarto,alam kung kwarto ito ng lalaki dahil itim ang kulay ng silid kahit sa mga furniture at sapin ng kama.bigla namang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok si Zaki,gising kana pala mag-ayos kna at ihahatid na kita sabi niya.Hindi ko pa nagagamot ng sugat mo sagot ko,dahil tinulugan mo ako balik na sagot niya.
Dapat ginising mo ako di naman niya pinansin ang sinabi ko.Let’s go Karen ihahatid na kita.Hindi mo ako kailangan ihatid mag taxi nalang ako pauwi,tumigil na naman siya sa paghakbang palabas ng kwarto at lumingon sa akin ng nakakunot ang noo.Pag sinabi ko ihahatid kita,ihahatid kita nagkakaintindihan tayo tanong niya.tumango lang ako at sinundan siya palabas ng kwarto.
Pagdating namin sa kotse niya binuksan niya ang passenger seat at inalalayan akong pumasok,umikot naman siya at pumasok din sa driver seat,agad niyang binuhay ang makina at tsaka umalis na.tahimik lang kami pareho habang nasa byahe hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya kung galit ba siya dahil tinulugan ko ang paggamot ng sugat niya.Ilang minuto pa nakarating na kmi sa harap na apartment ko ng di ko namamalayan dahil sa pag-iisip ko,pano po nalaman na dto ako nakatira tanong ko.i have my ways sagot niya.Salamat sa paghatid mo sabi ko sa kanya,ng bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para lumabas pero hindi ko mabuksan.Lumingon ako sa kanya,pwede bang pabukas ng pinto nka lock pa kasi,nakangisi lang siyang nakatingin sa akin,maniningil muna ako bilang kabayaran mo sa hindi pag gamot ng sugat ko nakangising sabi niya.magkano ba ang kailangan mo pwede ibigay mo na lang ang account mo ililipat ko nalang ang pambayad ko sabi ko.Hindi pera ang kailangan ko Karen sagot niya,Eh ano? tanong ko.Ito sabi niya at bigla nalang niya akong siniil ng halik,nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko nagawa ng tumutol sa mga halik niya,mas lalo pa niyang pinalaliman ang paghalik sa akin.tumigil lng siya ng pareho na kaming kinakapos ng paghinga,inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko tsaka bumulong ‘akin ka lng’ at dinilaan nito ang leeg ko,para naman akong nakukuryente sa ginawa niya. May pinindot siya sa gilid niya at narinig ko ang biglang pag unlock ng pinto,binuksan ko ito at deritsong lumabas hindi ko na siya nilingon ulit,umalis lang siya ng makapasok na ako ng apartment.