Chapter 34

1005 Words
Zaki's POV Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Karen pero nakapatay pa rin ito.Hindi ko rin siya ma trace kung nakapatay ang cellphone niya. Hindi ko alam kung ano na naman ang dahilan niya kung bakit niya ako tinakasan o kung dahil ba kay Margo. Kaya hindi ko binibigyan pansin si Karen dahil alam kong may ibang agenda si Margo kahit kababata ko pa siya hindi ko palalampasin ang pagtatraidor niya sa akin.Hindi ko naman alam na makikipagsabwatan si Margo kay Mr.Sato na siya pala ang isa sa mga babae nito. Kailangan kong mahanap si Karen sa lalong madaling panahon hindi ko siya mapoprotektahan kung malayo siya sa akin lalong-lalo na buntis pa siya. Natigil ang pag-iisip ko ng may kumatok sa pintuan ng library ko. "Pasok"utos ko.Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Gina. "Boss nakuha ko na ang kopya ng cctv footage ng establisyamento kung saan nagpadala si Miss Karen ng pera,"balita ni Gina. Sinaksak ni Gina ang usb sa laptop ko at pinanood ko ito.Makikita sa footage na pagkatapos magpadala ni Karen ng pera lumabas siya at pumunta ng banyo. "Wait,i zoom mo ang babaeng yan,"utos ko. Zinoom naman ni Gina ito,naikuyom ko nalang ang kamay ko sa galit.Kahit balutin niya pa ang buong katawan niya makikilala ko parin siya.Kaya pala hindi siya napansin ng mga tauhan ko dahil nagpalit siya ng damit.Paglabas niya mabilis siyang sumakay ng taxi. "Mukhang balak po talaga ni Miss Karen na takasan kayo Boss.Mukhang alibi niya lang ang pagpapadala ng pera para makalabas siya."sabi ni Gina. "Hanapin mo ang taxi na sinakyan niya alamin mo kung saan niya hinatid si Karen,"may diin na utos ko. "Copy Boss,"sagot ni Gina at naglakad na ito palabas ng pintuan. Sisiguraduhin ko sayo Karen na pag nakita kita hinding-hindi kana makakalabas ng kwarto.Marami ka nang kasalanan sa akin.Tumayo ako at lumabas na ng opisina ko. Naglalakad ako para pumunta sa kwarto ko ng marinig ko ang boses ni Margo na tila may kausap sa cellphone.Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto nito kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila ng kanyang kausap. "Kailangan niyong mahanap ang babae alam kong importante siya kay Zaki,siya ang gagamitin natin para mapabagsak ito,"rinig kong sabi ni Margo.Naikuyom ko naman ang mga kamay ko sa galit. Pinakinggan ko pa ang ibang usapan nila.Kaya pala kinontak niya ako para sa plano niya.Akala niya siguro ganun ako katanga para hindi malaman yun. Naglakad ako patungo sa kwarto ko ng walang ingay.Pumasok ako sa banyo para maligo.Hinubad ko ang lahat ng saplot ko at binuksan ang shower,nakalapat ang dalawang palad ko sa malamig na tiles habang hinahayaan ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Paglabas ko ng banyo narinig ko ang cellphone ko na tumutunog tiningnan ko ito kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Gina sa screen kaya agad ko naman itong sinagot. "Boss nakausap ko na ang driver ng taxi na sinakyan ni Miss Karen,ayon sa kaniya hinatid niya po ito sa terminal ng bus na byaheng probinsya,"balita ni Gina. "Pumunta ka ngayon dito may pupuntahan tayo,"sagot ko sa kanya. Agad kong pinatay ang tawag,pumunta ako ng closet ko para magbihis.Pagkatapos kong magbihis binitbit ko lang ang wallet at cellphone ko tsaka lumabas ng kwarto.Dalawa lang ang pwedeng puntahan ni Karen ang umuwi siya ng probinsya nila o may tumulong sa kanya para magtago. Wag kalang magkakamali na lalaki ang sinamahan mo Karen dahil mapapatay ko talaga ang lalaki mo. Pagbaba ko naghihintay na sa akin ang ibang tauhan ko kasama si Gina.Napansin ko namang nakaupo din si Margo sa sofa mukhang may lakad din siya dahil naka bihis ito.At kulang nalang lumuwa ang dibdib niya sa iksi ng suot nito. "Saan ang punta niyo Zak,"tanong nito. "Sa opisina lang,"may lakad ka ba,"balik tanong ko sa kanya. "Kikitain ko lang ang friend ko,"sagot nito. "Ganun ba mag-iingat ka.Mauna na kami."sagot ko kahit gusto ko ng sumabog sa galit ko sa kanya. Tumango lang ako sa kanya at naglakad na palabas ng maindoor pero bago ako sumakay sa sasakyan sinabihan ko si Gina na pasundan si Margo na agad naman nitong sinunod. Sumakay ako ng kotse at agad naman itong pinausad ng driver.Alam kong may pinaplano si Margo at yin ang dapat kong alamin kung ano yun. Kung pinapahanap niya si Karen dapat ko siyang maunahan.Sinabi ko sa driver na sa terminal kami bus na byaheng probinsya pupunta. Habang nasa byahe ako tumunog ang cellphone ni Gina.Sinagot niya naman agad ito. "Hello."sagot niya sa kabilang linya. "Sige sundan niyo lang.Siguraduhin niyo lang na hindi niya kayo mapapansin."sabi ni Gina sa kausap niya. "Anong problema?"tanong ko. "Wala naman boss.Tumawag lang yung sumusunod kay Margo.Pumasok daw ito sa isang restaurant paglabas niya may kasama na itong lalaki at pumunta sila ng hotel."bigay alam ni Gina. "Alamin nila kung sino ang lalaking kasama ni Margo.Maaaring kakampi niya ito o baka naman bagong kinakalantari niya na naman."sagot ko. "Sa tingin mo boss sino kaya ang sinasabi mong kausap ni Margo?"tanong ni Gina. "Kung sino man yung kausap niya isa lang ang sigurado ako at yun ay ang pabagsakin ako."sagot ko. "Tingin ko boss si Margo ang dahilan kung bakit umalis si Miss Karen.Baka iniisip niya na girlfriend mo itong si Margo dahil inuwi mo sa bahay mo"sabi ni Gina "Yun ang pagkakamali ko na hindi ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ko dinala si Margo sa bahay." Kung sinabi ko kay Karen ng totoo siguro hanggang ngyon nandito parin siya.Siguro hindi niya ko nilayasan.Pero wala na akong magagawa.Ang kailangan ko lang ngayon ay mahanap siya. "Malapit na tayo sa terminal boss."sabi ng driver. "Sigurado kaba na terminal ng bus na papuntang probinsya ang pupuntahan natin?"tanong ko. "Oo boss." sagot ng driver. Kailangan kong malaman kong anong bus ang sinakyak ni Karen at kung saan ito papunta.Mabilis ko lang siyang mahahanap pag maituro sa akin ng driver ng bus na sinakyan niya kung saan siya bumaba Mahahanap di kita Karen at sisiguraduhin ko sayo na hindi kana makakaalis pa sa poder ko.Humanda ka sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD