Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zaki simula ng nagkasagutan kami,hindi ko naman alam na magagalit siya ng ganun.Nakakatakot pala siyang magalit,paano pa ako makakatakas dito kung bantay sarado sa paligid.
Namiss kona ang mga magulang ko baka nag-aalala na sila sa akin,matagal na rin akong hindi nakatawag sa kanila hanggang ngayon hindi pa ibinabalik ni Zaki ang cellphone ko.
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may bumukas ng pintuan,nakita ko si Manang na may dalang tray ng pagkain.
"Iha kumain ka muna,"
"Salamat po,pwede po bang bumaba nalang po ako pag oras ng pagkain?,"tanong ko sa kanya.
"Naku iha!hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto yan ang mahigpit na bilin ni Zaki,"sagot naman niya.
"Nasaan po pala siya,"tanong ko ulit.
"Lumawas siya ng maynila may kailangan lang daw siyang gawin,"sige na kumain kana kukunin ko nalang mamaya ang pinag kainan mo."sagot niya at lumabas na.
Ibig sabihin wala ako ngayon sa maynila,maaaring nasa probinsya ako.Kailangan ko munang mahanap ang mga gamit ko kailangan ko yun pag nakatakas na ako,pero paano ko magagawa yun kung hindi ako makalabas dito sa kwarto.
Naghalungkat ako sa mga cabinet dito sa loob ng kwarto baka sakaling mahanap ko ang bag ko andoon pa naman ang cellphone at pera ko.Bagsak ang balikat ko ng hindi ko mahanap ang gamit ko,may isa pa akong nakita na cabinet sa closet.Hinalungkat ko ito pero wala ang bag ko baka sa ibang kwarto nilagay ni Zaki.Nawalan na ako ng pag-asa na mahanap ang gamit ko.
Sa sobrang pag-iisip ko kung paano ko tatakasan si Zaki dinalaw na ako ng antok at tuluyang nakatulog.
Naalimpungatan lang ako ng may kumakatok sa pinto," pasok sabi ko,"Niluwa naman nito si Gina.
"Miss Karen pinapatawag kayo ni Boss sa baba,"sabi nito.
"Sige susunod nalang ako,"sagot ko.
Dumating na pala ang lalaking yun,ano kaya ang nakain niya at pinayagan niya akong lumabas ng kwarto.Inayos ko lang ang sarili ko at bumaba na.
Nakita ko naman sa sala si Zaki na nakaupo kasama ang babaeng nakita ko sa mall."Ang walang hiya kung makapagsabi na walang pwedeng humawak sa akin ay wagas,pero siya hinahayaan niya lang ang babaeng mukhang pwet ng manok ang nguso na parang sawa kung makalingkis sa kanya.
"Pinapatawag mo raw ako,"tanong ko sa kanya.
"Let's eat,"sagot niya naman.
"Kung pinatawag mo ako para yayaing kumain salamat nalang pero busog pa ako,kayo nalang ng girlfriend mo ang kumain."tsaka ako tumalikod para sana bumalik sa kwarto.
"Karen...pag sinabi kung kakain ka,kakain ka.wag mo akong hintayin na magalit sayo baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko."banta niya.
"Wala naman akong nagawa kundi padabog na pumunta ng kusina,binangga ko pa ang balikat niya,wala akong pakialam sa kanya.
"Umayos ka Karen,"rinig ko pang sabi niya.
Umupo ako sa dulong bahagi ng mesa,tumabi naman sa kanya si pwet ng manok.
"Ang sabi mo nung nagkita tayo sa mall hindi kayo magkakilala ni Zaki my love ko."tanong ng babae sa akin.
"Stop calling me my love Charlotte,hindi kita girlfriend o asawa para tawagin ako sa endearment na ganyan."inis na sabi ni Zaki.
Buti nga sa kanya,maka my love naman akala mo may karapatan siya.Hindi naman nagsalita ang babae sa sinabi ni Zaki,binilisan ko naman ang pagkain para maka akyat na ako,sumasakit lang ang mata ko sa kanilang dalawa.
Tumayo na ako ng maubos kona ang pagkain ko,binitbit ko ang plato ko at dinala sa lababo.Uminom lang ako ng tubig at naglakad palabas ng kusina.Nakarating ako sa sala at nakita kung walang tao,naglakad ako papunta sa pintuan.sumilip ako nakita ko namang wala ang mga tauhan ni Zaki.Lumingon muna ako sa direksyon ng kusina hindi pa naman lumalabas si Zaki.
Humakbang ako palabas ng pintuan,tahimik ang paligid saan kaya ang mga tao dito bakit wala sila.Ito na yata ang chance ko na makatakas,binilisan ko ang paghakbang ko patungo sa gate.Nakita ko namang hindi ito naka lock ,ang swerte ko talaga,lumabas ako ng gate ng walang nakakita sa akin,lakad-takbo ang ginawa ko para lang makalayo sa lugar.