Chapter 2: Yuuka

1315 Words
Kagat labi akong lumabas ng dahan dahan mula sa banyo. Katatapos ko lang maligo at magbihis. Suot ko ngayon ang damit na bigay ni Master Kaito sa akin kanina. It's a dress. Hindi naman sa ayaw kong suotin ito but I'm still a boy kahit mukha akong babae. At isa pa masyadong hapit sa katawan ko ang kasuotan na ito hindi ako komportable.  Naabutan ko naman si Master na nag-aayos din ng  kanyang sarili. He is wearing his usual attire. A white suit with some golds on it.  Ang gwapo niyang tingnan at hindi ko mapigilang humanga sa kanya.    "M-master." Nauutal kong tawag dito.    He then turned around to see me. Napayuko  ako kaagad ng nakasalubong ko ang kanyang magandang mga mata . Ewan ko ba sa tuwing tinitignan ako ni Master tumatagos ito sa pagkatao ko. Hindi ko din maintindihan ang puso ko dahil sa bilis ng pagkabog nito.    "Yuuka."  Master said at tsaka naman ako napaangat ng tingin sa kanya. "Turn around." He added.  Naguguluhan man ay sinunod ko ang gusto niya. I turned around waiting for his next step. Master went near me.  Napasinghap ako ng bigla niyang hawakan ang damit ko.  "M-master.."    "You should do it like this." He said sabay hawak nung mahabang tali mula sa likod ng aking damit. Mas lalo akong napasinghap ng iginaya niya ang kanyang kamay sa aking harapan. Para tuloy siyang nakayakap sakin mula sa aking likuran.  He is fixing the ribbon on my dress. Mula sa likod pinagcross niya ito sa aking harapan at balik ulit sa aking likuran at saka niya ito tinali. Medyo mahaba haba kasi yung tali ng damit ko kaya nung ako ang gumawa alam kung hindi magandang tignan.  I can even smell Masters scent. Ang bango, amoy lalaking lalaki.    "M-master. Hindi pa pwedeng wag nalang akong sumama?" Tanong ko dito.  Humarap ako sa kanya at nanlaki ang aking mata dahil sobrang lapit ng mukha namin. Hindi pa pala siya umalis sa aking likuran nung natapos na siya.  I stared at his face.  Masyadong perpekto. Kung hahayaan akong titigan siya buong magdamag ay ayos lang sa akin.  Nakatingin din si Master sakin pababa sa nakaawang kung labi. I saw how he gulp.  Itinaas niya ang kanyang kamay at saka hinaplos ang aking mukha.    "Sundin mo lahat ng gusto ko Yuuka. Kung ayaw mong maparusahan. Kapag sinabi kung sumama ka. Sasama ka. Do you get me?" He said.    Wala ako sa sariling tumango.    Ano ba Yuuka.  Kung ano man iyang paghanga mo sa Master mo itigil mo iyan. Isa kang slave sa paningin niya. Wala nang hihigit pa dun. Sita ko sa aking sarili.    Nanglaki ang aking mata ng biglang kumulo ang aking sikmura. Gutom na ako.  Kinagat ko aking labi at tumingin kay Master.  "H-hindi pa po kasi ako k-kumakain." Mahinang sabi ko.  Master sighed at saka siya nagpatawag ng kung sino para dalhan kami ng makakain dito sa kanyang silid.  Hindi nagtagal ay dumating din ang kanyang inutos.  Nalula ako sa nakahain ngayon sa aking harapan. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka sarap na mga pagkain.  "Eat." Master, simply said.  Kaagad akong kumain. I even smiled noong natikhan ko ang mga pagkain and even moaned kasi grabe ang sasarap.  Hinayaan lang ako ni Master na kumain ng kumain habang siya ay nakatingin lang sa akin.  Simula kasi noong nagpunta kami ni ama dito sa palasyo wala akong kinain ni konti.  "Tapos kana?" Master asked. Nakangiti akong tumango sa kanya. Sobrang busog kasi ako.      Master went back in front of his mirror and fix himself one more time. Bago kami lumabas ng kanyang silid.  May iniutos siya sa isang Royal Guard.  "Masusunod po kamahalan."  Sabi nung Royal Guards mabilis naman itong yumukod kay Kaito at umalis sa harapan namin.    Naglakad naman si Master patungo sa harap ng palasyo at waring may hinihintay. Habang ako ay tahimik lang na nagmamasid sa kanyang likuran.  A few minutes later ay may dumating na isang magarang sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito pero may kabahaan din siya.  Kaagad na lumabas ang isang lalaki na itim ang suot at binuksan ang sasakyan. He guided Master inside the car at ako naman ay hindi alam ang gagawin. Sasakay din ba ako o ano?    Kumibo lang ako when Master talk to me.  "Get inside slave." Master said. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Malaki ang space nito sa loob at hindi ko alam kung saan ako uupo. Kaya napadesisyonan ko na lang na umupo sa katapat na upuan ni Master.  Iginala ko ang aking mata at manghang mangha ako sa aking nakikita. I saw a mini table inside this car at may mamahaling wine pa doon.  Tanging kami lang ang nasa loob nito at yung lalaking nakaitim kanina ay hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko din makita kung sino ang nagmamaneho nito. Di ko ma explain.  Napatingin naman ako kay Master habang nakatingin ito sa labas ng bintana waring may iniisip.    "M-master. Pwedeng magtanong?" Tanong ko dito.    Lumingon naman ito sakin and raised his brows.  "You're already asking." Master said.    Napalunok naman ako. Grabe ang sungit.  "G-gusto ko lang kasing malaman kung gaano kalaki ang utang at kasalanan ng akong ama sa mahal na hari." Lakas loob kung sabi. I just want to know kung ano ba talaga ang nagawang kasalanan ng aking ama. Alam kung hindi gagawa si ama ng isang pagkakamali ng walang malalim na dahilan.  Oo mahirap lang kami. Pero mababait na tao ang aking magulang na kahit ganito ang estado ko sa buhay ay mahal nila ako hindi nila ako pinabayaan.    "Your father stole some gold bars to the palace. He even took something precious to me." Sabi nito.  Napanganga ako aking nalaman. Hindi ako makapaniwala.  "Hindi iyon magagawa ng aking ama. " Medyo tumaas yung boses ko kaya umigting ang panga ng mahal na prisipe.  I gulp.  "He just did at ikaw ang naging kabayaran nun. Pero alam mo bang hindi sapat iyon? Your  father stole my ring. My future Luna's ring." Sabi nito sakin.  Hindi lang ginto ang ninakaw ni ama kundi pati ang singsing na sinasabi niya?  "S-singsing lang iyon." Wala sa sarili kung sabi.    And in just one swift Master is already holding my neck. Sinakal niya ako.  He's eyes changed color too.  "That ring came from my grandma and it has sentimental value to me. Hindi iyon basta singsing lang!" Mariin nitong sabi sakin na may nanlilisik na mata. Mas hinigpitan pa nito ang pagsakal sa leeg ko.  Mamamatay na ako. "H-hindi ako maka..makahinga." I slowly said at tumulo na iyong luha ko.  Kaagad niya akong binitawan. Napahawak ako sa aking leeg. Napatingin ako sa kanya at nakatingin rin siya sakin ng mariin.  "Pagbabayaran mo ang kasalanan ng iyong ama. Makakawala kalang sakin kapag nabayaran at naibalik na niya sakin ang kinuha niya." Master said.  I wiped my tears at saka ko inayos ang aking sarili. Yumuko nalang ako habang habol pa ang aking hininga.  "Patawarin mo ang aking ama, Master. Pinapangako ko hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ko nababayaran at naibalik ng aking ama ang lahat ng kinuha niya sa inyo." Mahinang saad ko dito. Wala akong narinig mula kay Master kung kaya't inangat ko ang aking ulo para makita ang kanyang mukha.  Tahimik lang niya pala akong pinagmasdan at ako naman ay nanatiling tahimik at hindi na nagsalita pa dahil baka kung ano pa ang aking masabi at baka magiging katapusan ko na.  Yung ginawang pagsakal niya sakin kanina hindi ko inaasahan iyon. Baka nasaktan ko lang siya dahil sa nasabi ko.    Naramdaman kung huminto na ang sinasakyan namin. Someone opened the door of this car at lumabas na si Master, sumunod naman ako rito.  "Welcome to our pack. Prince Kaito." Malugod na pagtanggap sa kanya na isang lalaki.  "Masyadong formal Yuuki." Master said.    Yuuki? Kaagad namang nanglaki ang aking mga mata.  "Who's with you?" Tanong ng lalaking nagngangalang Yuuki kay Master.  Lumingon naman si Master sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Kaagad niyang hinila ang kamay ko at hinila ako mapakatayo sa kanyang tabi.  "Introduce yourself slave." Master said. Ani nito sa akin kaya napayuko ako at yumukod.  "I'm Yuuka Matsumoto. I'm a s-slave." I said at pagkatapos ay nag-angat naman ako ng tingin. Nakasalubong ko ang tingin ni Yuuki sakin. Bakas sa kanyang mata ang gulat pero kaagad din itong napalitan ng galit. "Kuya...." I mumbled. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD